|
||||||||
|
||
Maarte/20141202.m4a
|
Pag-uusapan natin ang isang mang-aawit na babae taga-Beijing, pero naging kilala sa Hongkong. Siya si Faye Wong.
Si Faye Wong ay nagkakaiba sa mga mang-aawit na babae dahil sa kanyang nagkakaibang estilo ng awit at karakter.
Isinilang si Faye Wong noong 1969 sa Beijing. Kagaya ng nanay, mayroon siyang talento sa musika. Noong nasa grade 2 sa high school, inilabas na niya ang unang album na pinamagatang "Where the Wind Comes From." Sa album na ito, ginaya o kinopya niya ang mga awit ni Teresa Tseng, "Queen of Music."
Si batang Faye Wong
Noong 1987, sa halip ng pag-aaral sa biology sa Xiamen University, lumipat si Wong sa HongKong kasama ng tatay, at nag-aaral ng musika mula kay Dai Sicong, isang magaling na guro kung sino ang naghubog kina Anita Mui, Andy Lau, Aaron Kok, at iba pa.
Hindi maalwan ang simula ni Wong sa HongKong. Hindi naging kilala kaagad si Wong pagkaraang lagdaan ang kompanya. Sa kanyang ika-4 na album, pumsok siya sa pansin ng mga tao. Kahit maganda ang kanyang boses, hindi moderno siya sa damit, at hindi maganda ang relasyon nila ng mga taga-HongKong dahil sa kanyang temple.
Noong 1991, nag-aral si Wong sa Amerika at bumalik sa dating kompanya sa susunod na taon. Pagbalik niya, inilabas niya ang ika-4 na album na pinamagatang "Coming Home," Ito ang naging isang tagumpay. Ang awit na pinamagatang "Leep in Loving You" sa album ay nasa unang puwesto sa maraming billboard at Year Award ng HongKong.
Noong 1993, sinimulang baguhin ni Wong ang kanyang hitsura sa ensable. Moderno ang kasuotan at makapel ang make-up. Ang album na pinamagatang "Obdurate" ay ipinakita ang pagbabago nito. Ang lyrics ng "Obdurate" ay ginawa ni Wong kung saan ipinakita niya ang sariling karakter. Dahil sa kantang ito, nakuha niya ang HongKong Top Ten Chinese Gold Songs Award.
Mas moderno na si Faye Wong
Naging natatangi ang estilo ni Wong mula sa album na pinamagatang "Woolgather." Mula sa album na ito, idinagdag ni Wong ang elemento ng England sa musika ng HongKong para makalikha ng bagong estilo.
Pasok sa Maarte Ako
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |