|
||||||||
|
||
melo
|
IBINALITA ng Kagawaran ng Kalusugan na mayroong 351 katao ang mga nasugatan dala ng mga paputok.
Mas mababa ito sa naitala noong 2013 na 578 katao. Sa bilang na ito, may 346 ang nasugatan dahil sa paputok, tatlo ang timaan ng ligaw na bala, may 14 na nasugatang kinailangang putulan ng daliri o kamay at 59 na nagtamo ng sugat sa kanilang mga mata.
Karamihan ng mga nasugatan ay mula sa National Capital Region. Nagkaroon ng 52 sa Maynila, 23 sa Pasig City, 21 sa Quezon City, 12 sa Caloocan at 12 rin sa Navotas City.
Nangunang dahilan ng pagkakasugat ang piccolo, isang ipinagbabawal na paputok subalit naipupuslit papasok ng bansa. May 48% ng mga nasugatan ang dahilan sa piccolo samantalang may 10% ang nasugatan ng mga kwitis.
Isang pitong-taong gulang na batang lalaki mula sa Antipolo City ang isinugod sa pagamutan dahilan sa ligaw na bala.
Tumaas ang bilang ng mga naputulan ng daliri o kamay ng may 75. Limang-taong gulang na bata ang naputulan ng daliri dahil sa paputok.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |