Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, nanawagang magkaisa

(GMT+08:00) 2015-01-12 18:52:09       CRI

Manggagamot, narses at iba pang volunteers, nakakalat; stampede, pinangangambahan

NANGANGAMBA ang mga manggagamot at mga dalubhasa sa posibilidad ng stampede kung hindi mapipigil ang mga mamamayang nagnanais na makalapit sa Santo Papa. Kasabay ito ng pagpapakalat ng may 500 mga manggagamot mula sa Kagawaran ng Kalusugan at may 2,000 mga tauhan ng Philippine Red Cross ang itatalaga sa mga pupuntahan ni Pope Francis ngayong linggong ito.

Sinabi ni Dr. Lyndon Lee Suy, tagapagsalita ng Department of Health na may koordinasyon na ang kanilang tanggapan sa mga pagamutan na posibleng pagdalhan ng mga isusugod na pasyente lalo't may malalapit na pagamutan sa Quirino Grandstand, Mall of Asia, UST at maging sa Tacloban City at Palo, Leyte.

Ipinaliwanag ni Dr. Ted Herbosa, dating Health Undersecretary, na handa ang Philippine General Hospital na tumanggap ng mga pasyenteng dadalhin ng mga ambulansya at tauhan ng Kagawaran ng Kalusugan at Philippine Red Cross.

Matapos suriin ng frontliners ng Kagawaran ng Kalusugan at ng Philippine Red Cross, dadalhin ang mga pasyente sa pagamutan kung kakailanganin. Idinagdag ni Dr. Herbosa na tulad ng mga nasugatan noong nakalipas na Pista ng Quiapo, nilinis lamang ang mga galos at sugat at inayudahan ang mga tumaas ang presyon at mga hindi makahinga. Isinugod ang isang lalaki sa Manila Doctors Hospital matapos maipit sa kasgasagan ng prusisyon subalit hindi na nakarating ng buhay.

Ayon kay Bernabe "Benjo" Bacani ng Philippine Red Cross, may sapat na dugo ang kanilang tanggapan sa anumang magiging pangangailangan.


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>