MGA TERORISTA, MALAYANG NAKAKAPASOK SA PILIPINAS. Ito ang ipinaliwanag ni Prof. Rommel Banlaoi (may mikropono), isang dalubhasa sa mga usaping pangseguridad sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga. Ikinakanlong sila ng mga taong kasapi ng iba't ibang grupo. Niliwanag niya na tutol sa gawaing ito ang MILF Central Committee. Kasama sa larawan si General Edilberto Adan, pangulo ng Association of Generals ande Flag Officers (AGFO) (kanan) at Commodore Rex Robles (kaliwa) at Dr. Margarita "Tingting" R. Cojuangco (dulong kaliwa). (Melo M. Acuna)
1 2 3 4 5