|
||||||||
|
||
Sa ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC)
Mga kinatawan:
Sa ngalan ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang Government Work Report sa sesyong plenaryo para sa pagsusuri ng Pamabansang Kongresong Bayan(NPC) at pakinggan ang mga mungkahi ng mga miyembro ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulunganng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) hinggil dito.
Part I Mga gawain sa taong 2014
Noong taong 2014, kinaharap ng pag-unlad ng Tsina ang masalimuot at malubhang kalagayang panlabas at panloob. Mahirap ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, naging mas malaki ang presyur sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at dumarami ang mga kahirapan at hamon para rito. Sa ilalim ng pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), pinagbuklod ng iba't ibang lahi ng Nasyong Tsino ang kanilang kalooban at enerhiya para mapagtagumpayan ang mga kahirapan at hamon; isakatuparan ang mga pangunahing target ng pag-unlad ng lipunan at kabuhayan sa taong 2014; matamo ang magandang simula sa usapin ng komprehensibo at malalim na reporma; pasulungin ang komprehensibong pangangasiwa sa mga pambansang isyu, batay sa batas; at matamo ang bagong progreso sa komprehensibong pagtatatag ng lipunang may kaginhawahan.
Noong nagdaang taon, nanatiling matatag at nakapagtamo rin ng progreso, sa kabuuan, ang pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng Tsina.Ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ay umabot sa 63.6 trilyong yuan RMB, na lumaki ng 7.4% kumpara sa taong 2013. Ang bilang ng mga karagdagang trabahador ay umabot sa 13.22 milyon, na mas marami kaysa sa taong 2013. Ang consumer price index (CPI) ay tumaas ng 2%.
Bukod dito, bumuti ang estrukturang pangkabuhayan.Ang kabuuang bolyum ng output ng pagkaing-butil ay umabot sa 605 milyong tonelada. Ang konsumo ay nakapag-ambag ng 51.2% ng kabuuang bolyum ng paglaki ng kabuhayan, na lumaki ng 3% kumpara sa taong 2013. Ang bahagdan ng value-added ng industriya ng serbisyo ay umabot sa 48.2% mula 46.9% noong taong 2013. At lumitaw ang mga bagong industrya at modelong komersyal.
Ang pag-unlad ng kabuhayan sa dakong Gitna at dakong Kanluran ng bansa ay mas mabilis sa dakong Silangan. Ang kita ng public budget ay lumaki ng 8.6%.Ang laang-gugulin sa pananaliksik at pagsubok ay katumbas ng mahigit 2% ng GDP. Ang bolyum ng konsumo ng enerhiya ay bumaba ng 4.8%. Ang aktuwal nakaraniwang kita bawat tao ay lumaki ng 8%, na mas malaki kaysa sa bahagdan ng paglaki ng GDP. Ang aktuwal nakaraniwang kita bawat tao sa kanayunan ay lumaki ng 9.2%, na mas malaki kaysa sa bahagdan ng paglaki ng karaniwang kita bawatresidente ng lunsod. Ang populasyon ng mahihirap sa kanayunan ay nabawasan ng 12.32 milyon. Nalutas ang isyu ng kaligtasan sa tubig-inumin na nakakaapekto sa mahigit 66 na milyong populasyon ng kanayunan. Ang bilang ng mga turista na naglalakbay sa ibayong dagat ay lumampas sa 100 milyong person-time.
Noong nagdaang taon, ang mga kahirapan at hamon ay mas malubha kaysa sa inaasahang kalagayan. Upang lutasin ang mga ito, isinagawa ng pamahalaan ang mga pangunahing hakbangin na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Una, isinagawa ang mabisa at katugong pagsasaayos para panatilihin ang matatag na paglaki ng kabuhayan. Sa pagharap sa presyur ng pagbaba ng pag-unlad ng kabuhayan, pinanatili ng pamahalaan ang katatagan ng pagsasagawa ng mga estratehiya at macro-economy policy. Hindi isinagawa ang mga pansamantalang patakran ng pagpapasigla sa kabuhayan, pero patuloy na iginiit ang ideya at paraan ng macro-control, at isinagawa ang mga katugong pagsasaayos para pasiglahin ang enerhiya ng kabuhayan, mapawi ang mga kapintasan ng estrukturang pangkabuhayan at palakasin ang tangible economy.
Mabisang isinagawa ang pro-aktibong patakarang pinansyal at matatag na patakaran ng pananalapi. Binawasan ng buwis ang mga takdang industriya. Pinababa ang istandard ng singil sa lahat ng mga larangan. Pinalawak ang saklaw ng preperensiyalna pakataran ng buwis para sa mga maliliit na bahay-kalakal. Dinagdagan ang pilot project sa pagbabago ng sales taxes, patungo sa buwis ng value-added. Pinabilis ang proseso ng fiscal payout para aktibo at mabisang isagawa ang mga reserbang pondo.
Isinagawa ang pleksibleng patakaran ng pananalapi para palakasin ang pagkatig sa pag-unlad ng mga mahinahong aspekto ng lipunan. Halimbawa, dinagdagan ang pautang ng mga maliit na bahay-kalakal at maayos na hinawakan ang mga isyung may kinalaman sa agrikultura, magsasaka at kanayunan.
Ikalawa, pinalalim ang reporma at pagbubukas sa labas para pasiglahin ang enerhiya ng pag-unlad ng lipunan at kabuhayan. Aktuwal na pinasulong ang reporma sa mga pangunahing larangan. Isinagawa ang plano ng pangkalahatang reporma sa sistema ng pinansiya at buwis. Natamo ang progreso sa reporma ng sistema ng pangangasiwa sa budget at sistema ng buwis. Pinahigpit ang pangangasiwa sa utang ng mga pamahalaang lokal. Lumaki ang espasyo ng pagtaas-baba ng interes ng deposito at exchange rate.Natamo ang progreso sa pilot project ng mga bangko na pinatatakbo ng puwersang di-pampamahalaan. Pinalawak ang saklaw ng paggamit ng foreign exchange reserve at insurance fund.Pinabilis ang reporma sa presyo sa mga larangang gaya ng enerhiya, komunikasyon, transportasyon, at pangangalaga sa kapaligiran. Sinimulan ang reporma sa mga larangang gaya ng pangangasiwa sa paggamit ng pondo sa siyensiya at teknolohiya, paghahanap ng kolehiyo at pamantasan ng mga bagong estudyante, household registration, sistema ng pensiyon sa retiro at insurance ng mga departamento ng pamahalaan at institusyon.
Patuloy na ipinauna ang pagpapadali ng prosesong administatibo at paglilipat ng mga kapangyarihan sa mababang yunit. Noong taong 2014, ang naturang gawain ay sumasaklaw sa 246 na proyekto ng administratibong pagsusuri at pag-aproba.
Buong sikap na isinagawa ang reporma sa mga isyung komersiyal. Dahil dito, ang bahagdan ng mga bagong rehistradong bahay-kalakal ay lumaki ng 45.9%.Sa taong 2014, bumaba ang bahagdan ng paglaki ng GDP, pero dumami ang bagong karagdagang trabahador, ito ay nagpapakita ng malaking epekto ng reporma at nakatagong lakas ng pamilihan.
Pinasulong ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa pamamagitan ng reporma. Pinalawak ang saklaw ng malayang sonang pangkalakalan ng Shanghai. Itinatag ang mga malayang sonang pangkalakalan sa Guangdong, Tianjin at Fujian. Pinanatili ang katatagan ng pagluluwas at dinagdagan ang bolyum ng pag-aangkat.Aktuwal na ginamit ang 119.6 na bilyong puhunang dayuhan, na nasa unang puwesto sa daigdig. Ang bolyum ng direktang pamumuhunan sa ibayong dagat ay umabot sa 102.9 na bilyong dolyares. Nagsimulang tumakbo ang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Iceland, Tsina at Switzerland.Natapos ang talastasan sa pagitan ng Tsina at Timog Korea,; at Tsina at Australia, hinggil sa malayang sonang pangkalakalan. Natamo rin ang mahalagang bunga sa mga kooperasyong panlabas, gaya ng sa daambakal, koryente, langis, natural gas, at komunikasyon.
Ikatlo, pinalakas ang pagsasaayos sa estrukturang pangkabuhayan para pasulungin ang sustenableng pag-unlad. Walang humpay na pinatatag ang pundasyong agrikultural. Isinagawa ang mas maraming patakaran na nakakabuti sa agrikultura, magsasaka at kanayunan. Pinalakas ang kakayahan sa komprehensibong produksyong agrikultural. Pinataas ang lebel ng siyensiya at mekanisasyonsa agrikultura. Pinabilis ang proseso ng konstruksyon ng mga malaki at mahalagang proyekto ng patubig.Itinayo ang 230 libong kilometrong lansangan sa mga nayon. Isinagawa ang bagong round ng proyekto ng pagbabago ng mga bukirin tungo sa gubat at damo.
Buong sikap na isinagawa ang estruktura ng mga industriya. Hinubog ang bagong growth point ng kabuhayan.Pinasulong ang paglaki ng industriya ng serbisyo.Kinatigan ang pag-unlad ng mga bagong sibol at estratehikong industriya na gaya ng mobile internet, integrated ciruit, pagyari ng makinarya sa mataas na antas, at pagyari sa kotseng gumamit ng bagong enerhiya. Masaganang umuunlad ang industriya ng kultura at inobasyon.Kasabay nito, ipinatupad ang mga inaasahang target sa pagpapahupa ng labis na kakayahan ng pagpoprodyus at pagpawi sa atrasadong kakahayan ng pagpoprodyus sa mga industriyang gaya ng bakal, asero at semento. Pinahigpit ang paglaban sa smog.
Pinasulong ang konstruksyon ng mga imprastruktura at kinoordina ang pag-unlad ng iba't ibang lugar.Natamo ang malaking progreso sa dalawang pambansang proyekto na gaya ng koordinadong pag-unlad ng Beijing, Tianjin at lalawigang Hebei; at konstruksyon ng sonang pangkabuhayan sa paligid ng Yangtze River. Itinayo ang 8,427 kilometrong bagong daambakal.Ang kabuuang haba ng high speed railway ay umabot sa 16 libong kilometro at ito'y katumbas ng mahigit 60% ng kabuuang haba ng daambakal sa buong daigdig. Ang kabuuang haba ng highway ay umabot sa 112 libong kilometro. Ibayo pang pinahigpit ang konstruksyon ng mga imprastruktura hinggil sa paglalayag at abiyasyon. Ang bilang ng mga broadband user ay umabot sa 780 milyon. Sa pamamagitan ng ilampung taong pagsisikap, sinimulang maisaoperasyon ang unang yugto ng proyekto ng South-to-North Water Diversion, na nakakabuti sa mga mamamayan na nakatira sa paligid nito.
Isinagawa ang estratehiya ng pag-unlad at inobasyon.Natamo ang bagong progreso sa mga mahalagang proyekto ng siyensiya at pananaliksik na gaya ng super computer, pag-eksplore sa buwan, at paggamit ng satellite.
Ikaapat, pinabuti ang sistema ng paggarantiya sa maayos na pamumuhay ng mga mamamayan. Iginiit ng pamahalaang Tsino ang patakarang "put people first," at sustenableng nagdagdag ng laang-gugulin para rito.
Pinahigpit ang gawaing panghanap-buhay at social security.Pinabuti ang patakaran sa pagpapasulong ng hanap-buhay. Isinapubliko ang patakaran sa pamamatnubay sa pagpapasimula ng sariling negosyo. Tumaas ang employment rate ng mga bagong gradweyt sa pamantasan at kolehiyo. Pinag-isa ang pension system sa mga lunsod at kanayunan. Pinataas ng 10% ang saligang pensiyon sa retiro sa mga bahay-kalakal. Itinayo ang 5.11 milyong indemnificatory apartments.Komprehensibong pinataas ang lebel ng istandard ng pinakamababang kita sa lunsod at kanayunan.
Patuloy na pinasulong ang pagkakapantay-pantay ng edukasyon. Pinahigpit ang konstruksyon ng mga paaralan sa mga mahihirap na lugar. Dinagdagan ang subsidiya ng mga mahihirap na estudyante. Pinataas din ang lebel ng pambansang pautang para tulungan ang mga mahihirap na estudyante. Sa kasalukuyan, ang laang-gugulin ng piskal na sentral sa edukasyon ay lumampas sa 4% ng GDP.
Pinalalim ang reporma sa medisina at kalusugan. Ang insurance ng kalusugan para sa mga malubhang sakit ay sumasaklaw ng lahat ng mga mamamayang Tsino. Itinayo, sa kabuuan, ang sistema ng pangkagipitng tulong sa mga sakit.
Aktibong pinasulong ang usaping pangkultura at industriya ng kultura.Pinasulong ang saklaw ng average ng radyo at TV para ito ay umaabot sa bawat pamilya.
Ikalima, isinagawa ang inobasyon sa pangangasiwa sa mga isyung panlipunan, para pasulungin ang harmonya at katatagan. Maayos na hinawakan ng pamahalaang Tsino ang mga likas na kapahamakan at biglaang pangyayari, para maigarantiya ang kaligtasan ng mga mamamayan at pangalagaan ang mainam na kaayusang panlipunan.
Noong taong 2014, naganap ang malakas na lindol sa Ludian, at Jinggu ng lalawigang Yunnan. Agad at mabisang isinagawa ang gawaing panaklolo at rekonstruksyon, pagkatapos ng kalamidad.Aktibong tinulungan ang mga bansang Aprikano sa paglaban sa epidemiya ng Ebola virus para mapigilan ang pagpasok ng epidemiyang ito sa Tsina. Pinahigpit ang paggarantiya sa ligtas na pagawa para bawasan ang bilang ng mga malubhang aksidente. Buong sikap na nilutas ang isyu ng kaligtasan ng pagkain at gamot.
Buong sikap na pinasulong ng pamahalaan ang pangangasiwa sa mga isyu, batay sa batas. Hiniling ng pamahalaang Tsino sa NPC na susugan at itakda ang 15 batas at 38 regulasyong administratibo ng pamahalaan. Ibayo pang pinasulong ang pagbubukas ng mga gawaing administratibo sa publiko. Bago itakda ang mga mahalagang patakaran at kapasiyahan, malawak na nilikom ng pamahalaang Tsino ang mga mungkahi ng iba't ibang sektor ng lipunan.
Mahigpit na sinunod ng pamahalaang Tsino ang 8 patakaran na itinakda ng CPC para pabutihin ang estilo ng gawain ng pamahalaan. Mahigpit na isinagawa ang mga tadhana ng pamahalaang Tsino para mabisang kontrolin ang mga gastusin sa gawaing administratibo at masugpo ang pag-aksaya sa mga pondo. Pinahigpit ang pagsusuperbisa at pagsusuri sa mga administratibong gawain para pasulungin ang konstruksyon ng malinis na pamahalaan at CPC, at paglaban sa korupsyon. Seryosong siniyasat at pinarusahan ang mga kasong lumabag sa tadhana at batas.
Noong nakaraang 2014, mabunga ang gawaing diplomatiko.Dumalaw ang mga lider ng Tsina sa ibang mga bansa at lumahok sa mga mahalagang pandaigdigang pulong na gaya ng G20 Summit, Summit ng mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa), Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), East Asia Summit, Summit ng Aysa at Europa, at Davos Forum. Matagumpay na itinaguyod ng Tsina ang mga mahalagang pandaigdig na pulong na gaya ng ika-22 di-pomal na pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), ika-4 na Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia, at Boao Forum for Asia.
Aktibo ring lumahok ang Tsina sa pagtatatag ng multilateral na mekanismo at pandaigdigang regulasyon. Pinasulong ang konstruksyon ng Silk Road Economic Belt, at 21st Century Maritime Silk Road.Itinatag ang Asian Infrastructure Investment Bank at Silk Road Fund.Naging mahigpit ang pagpapalagayan at kooperasyon ng Tsina at ibang mga bansa. Ang Tsina ay nagpapakita ng imahe ng responsableng malaking bansa sa daigdig.
Mga kinatanawan!
Ang mga natamong pag-unlad noong taong 2014 ay bunga ng siyentipikong kapasiyahan at pamumuno ng Komite Sentral ng CPC, at bunga rin ng magkakasamang pagsisikap at pagpupunyagi ng buong Sambayanang Tsino.Sa ngalan ng Konseho ng Estado, taos-puso kong pinasalamatan ang mga mamamayan ng iba't ibang lahi, mga demokratikong partido, samahang pansibilyan, at tauhan sa iba't ibang sektor ng lipunan. Nagpapasalamat din ako sa mga kababayang Tsino sa Hong Kong, Macau, at Taiwan, at mga overseas at ethnic Chinese. Salamat din sa mga pamahalaan ng ibang bansa, pandaigdigang organization, at dayuhang kaibigan na sumusuporta sa usapin ng modernisasyon ng Tsina.
Kasabay ng pagkakamit ng mga bunga, kinakaharap din ng Tsina ang mga hamon at kahirapan sa pag-unlad. Naging ugad-pagong ang paglaki ng kabuhayan na dulot ng pamumuhunan. Kaunti lamang ang mga bagong growth point ng konsumo.Mahirap pa rin ang kalagayan ng pamilihang pandaigdig.Mayroong mga nakatagong banta sa iba't-ibang larangan ng Tsina.
Bumaba ang presyo ng mga produktong industriyal.Tumaas ang gastusin ng mga pangunahing produktibong materyal.Mahirap na hinikayat ng mga maliliit na bahay-kalakal ang pamumuhunan. Mahirap din ang takbo ng ilang bahay-kalakal.
Mayroon ding problema ang paraan ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan na gaya ng kakulangan sa inobasyon at pagiging labis ng kakayahan sa pagpoprodyus, mahina ang pundasyon ng agrikultura.
Bukod dito, ikinalulungkot ng mga mamamayang Tsino ang mga isyu na may kinalaman sa kalusugan, pag-asikaso sa matatanda, pabahay, komunikasyon, edukasyon, mababang kita, kaligtsan ng pagkain, at public security. Malubha ang polusyon sa kapaligiran ng ilang lugar. Madalas na naganap ang napakalaking aksidenteng panseguridad.
Mayroon ding mga problema ang gawain ng pamahalaan na gaya ng di-maayos na pagsasakatuparan ng mga patakaran, korupsyon, pagpapabaya ng mga opisyal sa kanilang tungkulin, at pagmamalabis sa kapangyarihan. Dapat nating tumpak na harapin ang naturang mga isyu at isabalikat ang sariling responsibilidad para buong sikap na lutasin ang mga ito.
Part II Pangkalahatang Plano ng mga Gawain sa Taong 2015
Ang Tsina ay pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig. Ang bansa natin ngayon ay nasa primaryang yugto ng sosyalismo at mananatili ang kalagayang ito sa mahabang panahon. Ang pag-unlad ay ang pundasyon at susi para lutasin ang mga kahirapan at hamon.
Kasabay nito, pumasok ang pambansang kabuhayan sa isang bagong yugto. Ang mga problema sa sistma, mekanismo at estruktura ay mga pangunahing hamon para sa pag-unlad ng Tsina. Kung hindi palalalimin ang reporma at isasaayos ang estrukturang pangkabuhayan, hindi maisasakatuparan ang matatag at malusog na pag-unlad.
Dapat nating igiit ang konstruksyong pangkabuhayan bilang sentro ng gawain ng buong bansa. Dapat nating walang humpay na pasulungin ang siyentipikong pag-unlad sa pamamagitan ng reporma. Dapat pabilisin ang pagbabago ng paraan ng pag-unlad ng kabuhayan. Ang mga ito ay para isakatuparan ang sustenable at mataas na kalidad ng pag-unlad.
Sa kasalukuyan, ang kabuhayang pandaigdig ay nasa yugto ng malalimang pagsasaayos. Siguro, magiging mas malubha ang mga kahirapan na kakaharapin ng kabuhayang Tsino sa taong ito, kaysa taong 2014. Samantala, ang pag-unlad ng Tsina ay nasa mahalagang panahong may mga estratehikong pagkakataon, para sa mabilis na pag-unlad. Ang Tsina ay mayroon ding higanteng nakatagong lakas at malaking espasyo ng pag-unlad. Maayos na umuunlad ang proseso ng bagong estilo ng pagsasaindustiya, pagsasalunsod, pagsasaimpormasyon, at pagiging moderno ng agrikultura. Matatag ang pundasyon ng pag-unlad ng bansa. Ang mga kailangan nating gawin ay pagpapanatili ng pagiging alerto sa mga banta at hamon, at pagpapatatag ng pananalig sa pagpawi ng mga banta at hamon, para matibay na kontrolin ang inisyatiba ng pag-unlad.
Ang taong 2015 ay masusing taon sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma. Ito rin ay unang taon ng komprehensibong pagpapasulong ng pangangasiwa sa mga pambansang suliranin, batay sa batas. Ito rin ay masusing taon ng pagpapanatili ng paglaki ng kabuhayan at pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan.Kaya, ang pangkalahatang kahilingan sa mga gawain ng pamahalaang Tsino sa taong 2015 ay ang mga sumusunod:
Dapat aktibong tugunin ang bagong kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan. Dapat igiit ang pangkalahatang prinsipyo sa paggawa, na panatilihin ang matatag na pag-unlad ng kabuhayan. Dapat buong sikap na panatilihin ang takbo ng pambansang kabuhayan sa isang makatwirang sona. Dapat pataasin ang kalidad at benepisyo ng paglaki ng kabuhayan.Dapat ilagay ang pagbabago ng estrukturang pangkabuhayan sa mas mahalagang katayunan. Dapat pasulungin ang papel ng inobasyon sa pag-unlad. Dapat igarantiya ang pamumuhay ng mga mamamayan.Dapat komprehensibong pasulungin ang mga usapin sa kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan at ekolohiya. Dapat pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng kabuhayan at katatagan at harmonya ng lipunan.
Ang mga pangunahing inaasahang target sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ay mga sumusunod:
Ang bahagdan ng paglaki ng GDP ay aabot sa humigit-kumulang 7%. Ang CPI ay tataas ng humigit-kumulang 3%. Ang bilang ng mga bagong karagdagang trabahador ay aabot sa mahigit 10 milyon. Ang unemployment rate ay mas mababa sa 4.5%. Ang bolyum ng kalakalang panlabas ay lalaki ng 6%.Magiging balanse ang international payment. Magiging sinbilis ang paglaki ng pagkita ng mga mamamayan at pambansang kabuhayan.Ang bolyum ng konsumo ng enerhiya ay bababa sa mahigit 3%. Patuloy na babawasan ang bolyum ng emisyon ng mga pangunahing pollutant.
Upang maayos na isakatuparan ang mga gawain sa taong ito, dapat sundin ang tatlong prinsipyo:
Una, dapat patatagin at pabutihin ang macro-kontrol policy.
Patuloy na isasagawa ang proaktibong patakarang pinansyal at matatag na patakaran ng pananalapi. Ang target ng budget deficit sa taong ito ay dapat umabot sa 1.62 trilyong yuan RMB, na mas malaki ng 270 bilyong yuan RMB kumpara sa taong 2014. Sa kabuuang budget deficit, ang bolyum ng budget deficit pamahalaang sentral ay dapat umabot sa 1.12 trilyong yuan RMB at ang bolyum na ito sa mga pamahalaang lokal ay dapat umabot sa 500 bilyong yuan RMB.
Tinayang ang bolyum ng broad money (M2) ay lalaki ng halos 12%. Pero batay sa aktuwal na kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan, maaring pataasin ang inaasahang target ng paglaki ng M2.
Ika-2, dapat panatilihin ang pagkabalanse ng pagpapatatag ng paglaki at pagsasaayos sa estruktura. Dapat patatagin ang bilis ng paglaki, upang maigarantiya ang matatag na takbo ng kabuhayan, maigarantiya ang tuluy-tuloy na pagdaragdag ng hanap-buhay at kita ng mga residente, at likhain ang paborableng kondisyon para sa pagsasaayos ng estruktura at pagbabago sa paraan ng paglaki. Samantala, dapat ding isaayos ang estruktura, at patibayin ang pundasyon ng matatag na paglaki. Dapat palakasin ang konstruksyon ng kalidad, pamantayan at tatak, pasulungin ang pagtaas ng proporsyon at pag-a-upgrade ng industriya ng serbisyo at estratehikong bagong-sibol na industriya, at pabilisin ang paglikha ng bagong growth point at growth pole.
Ika-3, dapat paramihin at pasulungin ang bagong lakas-panulak ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.Sa isang banda, daragdagan ang suplay ng produkto't serbisyong pampubliko, pag-iibayuhin ang laang-gugulin ng pamahalaan sa edukasyon, kalusugan, at iba pang aspekto, hihimukin ang pakikisangkot ng panlipunan, at patataasin ang episyensiya ng suplay. At sa kabilang banda naman, pasusulungin ang pagsisimula ng sariling negosyo ng mga mamamayan at inobasyon. May 1.3 bilyong populasyon at 900 milyong labor force ang Tsina.Masipag at matalino ang mga mamamayang Tsino, at lipos sila ng inobasyon. Tiyak na pananaigan ng napakalaking lakas-panulak ng pag-unlad na binubuo ng libu-libong masiglang selyula ng pamilihan ang presyur ng pagbaba ng kabuhayan, at pananatilihin ang kasiglahan ng kabuhayang Tsino. Dapat repormahin ng pamahalaan ang sarili, upang maiwan ang sapat na espasyo sa pamilihan at lipunan, at ilatag ang plataporma ng makatarungang kompetisyon. Dapat aktibong subukin ng mga indibiduwal at bahay-kalakal ang pagpapasimula ng negosyo at inobasyon. Palalaganapin ang kultura ng pagpapasimula ng negosyo at inobasyon sa buong lipunan, para maisakatuparan ng mga tao ang kani-kanilang sariling kahalagahan, sa proseso ng paglikha ng magandang kinabukasan.
Part III, matibay na palalalimin ang reporma at pagbubukas
Pag-iibayuhin ang reporma sa pagpapadali ng pamamaraang administratibo, pagbibigay ng kapangyarihan sa mababang yunit, at pag-uunipika sa pagbibigay ng kapangyarihan at pangangasiwa.Sa kasalukuyang taon, kakanselahin at ibibigay sa mga pamahalaang lokal ang kapangyarihan ng administratibong pagsusuri't pag-aaproba sa mga suliranin, ganap na kakanselahin ang di-administratibong pagsusuri't pag-aaproba, at itatatag ang sistema ng pangangasiwa sa pag-iistandardisa ng administratibong pagsusuri't pag-aaproba. Ibayo pang pasisimplehin ang pagrerehistro ng registered capital, isasapubliko ang listahan ng kapangyarihan at responsibilidad ng mga pamahalaan sa antas ng lalawigan. Hindi pagsasagawa ng mga aksyong walang awtorisasyon, at pagpapatupad sa mga tungkuling itinakda ng batas. Dapat itatag ng mga pamahalaang lokal sa iba't ibang antas ang mabisang mekanismo ng pagpapasulong sa pagpapadali ng pamamaraang administratibo, pagbibigay ng kapangyarihan sa mababang yunit, at pagbabago sa tungkulin. Dapat ding paluwagin ang limitasyon sa mga bahay-kalakal, ipagkaloob ng ginhawa sa pagpapasimula ng negosyo, at likhain ang kapaligiran ng makatarungang kompetisyon. Dapat padaliin ang prosedyur ng pagsusuri't pag-aaproba sa lahat ng mga suliraning administratibo, linawin ang taning, at dagdagan ang kasiglahan ng pamilihan sa pamamagitan ng pagbabawas ng kapangyarihan ng pamahalaan.
Rerepormahin ang sistema ng pamumuhunan at pangingilak ng pondo sa pamamagitan ng iba't ibang paraan. Babawasan nang malaki ang kapangyarihan ng pamahalaan sa pagsusuri at pag-aaproba ng mga proyekto ng pamumuhunan, at ibigay sa mababang yunit ang kapangyarihang ito. Pasusulungin ang pagsusuri't pag-aaproba sa mga proyekto sa pamamagitan ng internet. Paluluwagin ang market access ng di-pampamahalaang pamumuhunan. Sa mga larangang gaya ng imprastruktura at usaping panlipunan, aktibong palalaganapin ang modelo ng kooperasyon ng pamahalaan at kapital na panlipunan.
Napapanahong pabibilisin ang reporma sa presyo. Ang direksyon ng reporma ay tutungo sa pagpapatingkad ng papel ng pamilihan sa pagbabahagi ng yaman. Babawasan nang malaki ang kapangyarihan ng pamahalaan sa pagtatakda ng presyo. Ibibigay sa pamilihan ang kapangyarihang ito, upang magkaroon ng kompetitibong kondisyon. Kakanselahin ang kapangyarihan ng pamamahalaan sa pagtatakda ng presyo ng mga gamot, at ibibigay sa mababang yunit ang kapangyarihan ng pagtatakda ng presyo ng mga pundamental na serbisyong pampubliko. Palalawakin ang pilot project ng reporma sa presyo ng koryente, pasusulungin ang reporma sa presyo ng tubig na pang-agrikultural, at kukumpletuhin ang patakaran ng presyo ng pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran. Pabubutihin ang presyo ng mga produktong yaman, at komprehensibong isasagawa ang sistema ng magkakaibang presyo, batay sa bolyum ng konsumo ng mga residente.
Pasusulungin ang sistema ng pananalapi at buwis, para matamo ang bagong progreso. Isasagawa ang komprehensibo, istandardisado, bukas at maliwanag na sistema ng pangangasiwa sa badyet. Liban sa mga impormasyong kompidensyal, dapat isapubliko ang badyet at final accounts ng lahat ng mga departamento ng pamahalaang sentral at lokal, para tanggapin ang pagsusuperbisa ng lipunan. Rerepormahin ang sistema ng transfer payment, kukumpletuhin ang kapangyarihan at resposibilidad ng expenditure ng pamahalaang sentral at lokal, at makatwirang isasaayos ang paghahati ng kita ng pamahalaang sentral at lokal.
Pasusulungin ang repormang pinansiyal batay sa paglilingkod sa substantial economy. Hikayatin ang mga di-pampamahalaang kapital upang ilunsad at itatag ang mga institusyong pinansyal na gaya ng katamtaman at maliliit na bangko, at pag-aalis ng limitasyon sa bilang ng ganitong mga organo. Pananatilihin ang exchange rate ng RMB sa isang makatwiran at balanseng lebel, at palalakasin ang pleksibilidad ng pagtaas at pagbaba ng exchange rate ng RMB. Unti-unting isasakatuparan ang pagiging mapapalitan ng RMB capital account, palalawakin ang paggamit ng RMB sa daigdig, pabibilisin ang konstruksyon ng sistema ng transnasyonal na pagbabayad ng RMB, at pabubutihin ang sistema ng RMB clearing system sa daigdig.
Palalalimin ang reporma sa mga bahay-kalakal at kapital na ari ng estado. Pabibilisin ang pilot project ng mga kompanyang pinamumuhunanan o pinatatakbo ng kapital na ari ng estado, itatatag ang plataporma ng takbong pampamilihan, at patataasin ang episyensiya ng pagpapatakbo ng kapital na ari ng estado. Kasabay nito, maayos na isasagawa ang reporma sa iba't ibang uri ng pagmamay-ari ng mga bahay-kalakal na ari ng estado, hihikayatin at iistandardisahin ang pagpasok ng investment project sa kapital na di-ari ng estado.
Dapat buong tatag na enkorahehin, katigan, at patnubayan ang pag-unlad ng non-public economy, pahalagahan ang pagpapatingkad ng kakayahan ng mga mangangalakal, komprehensibong ipatupad ang mga patakaran at hakbangin ng pagpapasulong ng pag-unlad ng pribadong kabuhayan, at palakasin ang kasiglahan ng iba't ibang uri ng kabuhayan.
Ang pagbubukas ay isa ring reporma. Dapat isagawa ang bagong round ng pagbubukas sa labas sa mataas na antas, pabilisin ang pagtatatag ng bukas na bagong sistema ng kabuhayan, at hanapin ang pagpapasimuno ng pag-unlad at kompetisyong pandaigdig, sa pamamagitan ng pangunguna ng pagbubukas.
Pasusulungin ang pagbabago at pag-a-upgrade ng kalakalang panlabas. Kukumpletuhin ang mekanismo ng export rebates, at isasabalikat ng pinansyang sentral ang lahat ng mga karagdagang bahagi ng taripa, para mapahupa ang presyur sa mga lokalidad at bahay-kalakal. gagawing istandard ang pagsingil ng bayad sa proseso ng pag-aangkat at pagluluwas, itatatag at isasapubliko ang listahan ng mga proyektong may pagsingil ng bayad. Isasagawa ang mas proaktibong patakaran ng pag-aangkat, at palalakihin ang pag-aangkat ng mga modernong teknolohiya, masusing pasilidad, mahalagang piyesa at iba pa.
Mas aktibo't mabisang gagamitin ang puhunang dayuhan. Paluluwagin, pangunahin na, ang pagbubukas ng industriya ng serbisyo at karaniwang industriya ng pagyari, at babawasan hanggang kalahati, ang listahan ng mga uri ng may-limitasyong pamumuhunang dayuhan. Sususugan ang batas na may kinalaman sa pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal, kukumpletuhin ang sistema ng pagsusuperbisa at pangangasiwa sa ganitong pamumuhunan, at lilikhain ang matatag, makatarungan, maliwanag na kapaligirang komersyal.
Pabibilisin ang pagpapatupad ng estratehiya ng paglabas. Hihikayatinang pakikisangkot ng mga bahay-kalakal sa konstruksyon ng imprastruktura sa ibayong dagat. Samantala, pasusulungin din ang pagpasok ng mga pasilidad ng Tsina sa pamilihang pandaigdig, at pauunlarin ang pamumuhunan sa labas ng mga industriyang gaya ng metallurgy, materyal na arkitektural at iba pa.
Patatatagin ang bagong kayarian ng komprehensibong pagbubukas sa labas. Pasusulungin ang kooperasyon at konstruksyon ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road. Pabibilisin ang konstruksyon ng transportasyon, komunikasyon at international logistics channel, at patataasin ang episyensiya ng mga puwerto. Itatatag ang mga economic corridor na gaya ng koridor sa pagitan ng Tsina at Pakistan, Bangladesh, Tsina, India, at Myanmar. Palalawakin ang pagbubukas ng inland, babaying-dagat, at mga liblib na rehiyon, pasusulungin ang may inobasyong pag-unlad sa mga sona ng pag-unlad ng kabuhayan at teknolohiya, at patataasin ang lebel ng pag-unlad ng mga sona ng kooperasyong pangkabuhayan sa purok-hanggahan at sona ng transnasyonal na kooperasyong pangkabuhayan. Aktibong pasusulungin ang konstruksyon ng pilot zone ng malayang kalakalan sa Shanghai, Guangdong, Tianjin, at Fujian, palalaganapin ang mahusay na karanasan sa buong bansa, para maabot ang tugatog ng reporma at pagbubukas sa labas na may kani-kanilang katangian.
Ipaplano ang bilateral, multilateral at rehiyonal na pagbubukas at kooperasyon. Pangangalagaan ang sistema ng multilateral na kalakalan, paluluwagin ang kasunduan sa teknolohiya ng impormasyon, at aktibong makikisangkot sa mga pandaigdig na talastasan sa produkto ng kapaligiran, government procurement, at iba pa. Pabibilisin ang pagpapatupad ng estratehiya ng malayang sonang pangkalakalan, lalagdaan, sa lalong madaling panahon, ang kasunduan sa malayang kalakalan ng Tsina at Timog Korea, at ng Tsina at Australia, pabibilisin ang talastasan sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina, Hapon at Timog Korea, at pasusulungin ang talastasan ng malayang sonang pangkalakalan sa Gulf Cooperation Council (GCC), Israel at iba pa. Tatapusin din ang talastasan hinggil sa pag-a-upgrade ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), at talastasan ng kasunduan sa Rehiyonal na Komprehensibong Economic Partnership, at itatatag ang malayang sonang pangkalakalan ng Asya-Pasipiko. Pasusulungin ang talastasan ng kasunduan sa pamumuhunan ng Tsina at Amerika, at ng Tsina at Europa. Bilang isang responsableng bansa, nakahanda ang Tsina, na maging tagapagsubok ng ideya ng pag-unlad na may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, tagapagtatag ng pandaigdig na sistemang pangkabuhayan, at tagapagpasulong ng globalisasyong pangkabuhayan.
Part IV, Koordinadong Pasusulungin ang Matatag na Paglago ng Kabuhayan at Pagpapabuti ng Estruktura
Pabibilisin ang paghahanap ng bagong growth point ng konsumo. Hihikayatin ang konsumo ng mga mamamayan, at kokontrulin ang paggamit ng salaping pampubliko para sa pagkain, pag-inom, pagsakay ng kotseng pampubliko, at pagpunta sa ibang bansa. Komprehensibong pasusulungin ang pagpapakaisa ng network ng radyo at telebisyon, internet, at telecommunication network, pabibilisin ang konstruksyon ng fiber network, patataasin ng malaki ang bilis at episyensiya ng broad band, pauunlarin ang logistics delivery, at pasisiglahin ang bagong-sibol na konsumo sa internet. Gagawing lakas-panulak ng paglago ng kabuhayan ang nakatagong lakas ng konsumo ng mga mamamayan.
Daragdagan ang mabisang pamumuhunan ng produktong pampubliko. Sisimulang isagawa ang isang pangkat ng bagong mahahalagang proyekto. Ang nabanggit na mga proyekto ay, pangunahing na: mga proyektong may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan na gaya ng pagkukumpuni ng mga barungbarong at luma at mahina na bahay, at paglalatag ng tubo at network sa ilalim ng lupa ng lunsod; mga mahalagang proyekto ng transportasyon na gaya ng daambakal at lansangan sa gawing gitnang kanluran, at freshwater-lane; mga proyektong agrikultural na gaya ng patubig, at farmland na may mataas na istandard; mga mahalagang network project na gaya ng impormasyon, koryente, langis at natural gas; mga proyekto ng paggarantiya sa malinis na enerhiya, langis, natural gas, at yamang mineral; mga proyekto ng pagbabago sa teknolohiya ng tradisyonal na industriya; at mga proyekto ng pagtitipid ng enerhiya, pangangalaga sa kapaligiran, at konstruksyong ekolohikal. Sa kasalukuyang taon, umabot sa 477.6 bilyong yuan RMB ang pamumuhunan sa loob ng badyet na sentral. Patitingkarin ng pamahalaan ang kasiglahan ng pamumuhunang di-pampamahalaan, at papatnubayahn ang pamumuhunan ng social capital sa mas maraming larangan. Dapat panatilihin sa 800 bilyong Yuan RMB pataas ang pamumuhunan sa daambakal, itatag ang bagong 8000 kilometro pataas na daambakal, at isakatuparan sa kabuuan ang ETC network sa mga high¬-speed way sa buong bansa. Dapat pabilisin ang konstruksyon ng 57 isinasagawang proyektong patubig, at simulan ang 27 bagong proyekto sa taong ito. Lalampas sa 800 bilyong Yuan RMB ang pamumuhunan sa mga itinatatag na mahahalagang proyektong patubig. Sabay-sabay na pasusulungin ang mga pamumuhunan sa mga aspektong gaya ng pagkukumpuni ng mga barungbarong, daambakal, at patubig, at ang mga pamumuhunan ay dadako, pangunahin na, sa gawing gitnang kanluran.
Pabibilisin ang modernisasyon ng agrikultura. Igigiit ang pinakamahalagang katayuan ng "agrikultura, kanayunan, at magsasaka" sa kabuhayan ng bansa, at pabibilisin ang pagbabago sa pamamaraan ng pag-unlad ng agrikultura, para maging mas malakas ang agrikultura, mas mayaman ang mga magsasaka, at mas maganda ang mga kanayunan.
Sa kasalukuyang taon, dapat umabot sa 550 bilyong kilogram pataas ang output ng pagkaing-butil, at igarantiya ang kaligtasan ng pagkaing-butil at suplay ng mga pangunahing produktong agrikultural. Komprehensibong igagarantiya ang saligang saklaw ng bukirin, ipapatupad ang aksyon ng paggarantiya at pagpapataas ng kalidad ng bukirin, at pasusulungin ang pagsasaayos sa lupa. Komprehensibong isaayos ang isyu ng laki ng pesticide, at ganap na patataasin ang kalidad ng produktong agrikultural at lebel ng kaligtan ng pagkain.
Ipopokus ang pagpapalakas ng konstruksyon ng tubig-inumin at lansangan. Sa taong ito, muling lulutasin ang isyu ng kaligtasan ng tubig-inumin ng 60 milyong populasyon sa kanayunan, bagong itatayo at babaguhin ang 200 libong kilometro na lansangan sa kanayunan, at ganap na tatapusin ang tungkulin ng transportasyon sa mga liblib na purok sa gawing kanluran. Magsisikap para magamit ng natitirang mahigit 200 libong populasyon ang koryete. Palalakasin ang pagsasaayos sa kapaligiran, lalung lalo na sa basura at maruming tubig, at itatatag ang maganda't maginhawang kanayunang residensyal. Babawasan ng 10 milyon pataas ang mahihirap na populasyon sa kanayunan sa taong ito.
Sa proseso ng reporma, dapat igarantiya ang bilang at kalidad ng mga bukirin, at ang kapakanan ng mga magsasaka.
Kahit anung kahirapan ang kinakaharap ng pananalapi, dapat palakasin ang patakaran ng paghahatid ng benebisyo sa mga magsasaka, sa halip ng pagpapahina, at dapat ding dagdagan ang pondo bilang pagkatig sa agrikultura, sa halip ng pagbabawas.
Pasusulungin ang pagtatamo ng bagong urbanisasyon ng bagong breakthrough. Ang urbanisasyon ay saligang kalutasan sa agwat sa pagitan ng mga lunsod at nayon. Ito rin ang pinanggagalingan ng pinakamalaking pangangailangang panloob. Dapat patingkarin ang papel ng pagkatig ng urbanisasyon sa mordanisasyon.
Pag-iibayuhin ang pagkukumpuni at pagbabago sa sona ng barung-barong sa mga lunsod at bayan, at mga luma at mahinang bahay sa mga lunsod at nayon. Sa kasalukuyang taon, 7.4 milyong set ang isasaayos sa economy housing project. Kabilang dito, babaguhin ang 5.8 milyong set sa sona ng barungbarong. Ilalakip sa patakaran ng pagbabago sa barung-barong ang pagbabago sa mga luma at mahinang bahay sa lunsod. Babaguhin rin ang mga lumang bahay ng 3.66 milyong pamilya sa kanayunan, at pasusulungin ang pagbabago ng mga bahay sa kanayunan, para makatugon sa pangangailangan ng pagpigil sa lindol.
Lulutasin ang mahihirap na isyu ng urbanisasyon sa pamamagitan ng reporma. Pabibilisin ang reporma sa sistema ng hukou, at paluluwagin ang patakaran ng paglilipat ng hukou.
Patataasin ang lebel ng pagpaplano at konstruksyon ng mga lunsod at bayan. Buong tatag na isasaayos ang mga problema sa lunsod na gaya ng polusyon at siksikan ng trapiko, upang maging mas maginhawa ang trapiko at kapaligiran.
Hahanapin ang bagong espasyo ng rehiyonal na pag-unlad. Sisimulang itatag ang isang pangkat ng mahahalagang proyekto sa gawing kanluran, na gaya ng komprehensibong transportasyon, enerhiya, proyektong patubig, proyektong ekolohikal, at proyektong may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan. Ipapatupad ang patakaran at hakbangin sa komprehensibong pagpapasigla ng mga lumang baseng industriyal sa mga rehiyong gaya ng hilagang silangan, pabibilisin ang konstruksyon ng komprehensibong hub at network ng transportasyon sa gawing gitna, pangunahing kakatigan ang pag-unlad ng dakong silangan, pag-iibayuhin ang pagkatig sa mga luma at liblib na rehiyon at rehiyon ng pambansang minoriya, at pabubutihin ang patakaran ng rehiyonal na pag-unlad na may pagkakaiba. Pagsasamahin ang konstruksyon ng "One Belt One Road" at rehiyonal na paggagalugad at pagbubukas, at palalakasin ang konstruksyon ng bagong Asia-Europe Continent bridge at mga puwertong panlupa at pandagat. Pasusulungin ang sabay-sabay na pag-unlad ng Beijing, Tianjin, at probinsyang Hebei at unang una na matatamo ang substansyal na breakthrough sa mga aspektong gaya ng integrasyon ng transportasyon, pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, pag-a-upgrade at paglilipat ng industriya at iba pa. Pasusulungin ang konstruksyon ng economic belt sa Yangtze River, at maayos na sisimulan ang mga mahalagang proyektong gaya ng pagsasaayos sa lugusan, at puwerto sa baybaying ilog. Itatatag ang demonstration zone ng paglilipat ng industriya, at papatnubayan ang paglilipat ng industriya mula dakong silangan patungong dakong kanluran. Palalakasin ang konstruksyon ng mga pangunahing sona ng paggagalugad sa gawing gitnang kanluran, at palalalimin ang mga kooperasyong panrehiyon.
Bilang isang bansang may malawak na dagat, dapat itakda at isagawa ang estratehikong planong pandagat, paunlarin ang kabuhayang pandagat, pangalagaan ang kapaligirang ekolohikal sa dagat, at pataasin ang lebel ng teknolohiyang pandagat. Dapat ding palakasin ang komprehensibong pangangasiwa sa dagat, buong tatag na pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng bansa sa dagat, at maayos na hawakan ang mga alitang pandagat. Dapat aktibong palawakin ang bilateral at multilateral na kooperasyong pandagat, at susulong tungo sa target ng pagiging malakas na bansang pandagat.
Patataasin ang estruktura ng industriya sa katamtaman at mataas na antas. May bentahe ang industriya ng pagyari ng Tsina. Dapat igiit ang inobasyon at matalinong pagbabago, palakasin ang pundasyon, at isakatuparan ang luntiang pag-unlad.
Mainit ang kompetisyon sa bagong sibol na industriya. Dapat isagawa ang mahahalagang proyekto na gaya ng high-end facility, information network, integrated circuit, bagong enerhiya, bagong materyal, medisinang biolohikal, aero-engine, at iba pa, at gawing namumunong industriya ang isang pangkat ng bagong sibol na industriya. Itatakda ang "internet+" action plan, at pasusulungin ang pagpapaisa ng mobile internet, cloud computing, big data, Internet of Things (ToT), at modernong industriya ng pagyari. Pasusulungin ang malusog na pag-unlad ng e-commerce, industrial internet at internet finance, at papatnubayan ang pagpapalawak ng mga bahay-kalakal sa internet ng pamilihang pandaigdig. Itinayo na ng bansa ang 40 bilyong Yuan RMB na pondo ng pagpapatnubay ng pagpapasimula ng negosyo at pamumuhunan ng bagong sibol na industriya. Dapat mangilak ang mas maraming pondo para mapasulong ang inobasyon ng industriya.
Malaki ang espasyo ng hanap-buhay ng industriya ng serbisyo, at malawak ang prospek ng pag-unlad nito. Dapat palalimin ang reporma at pagbubukas ng industriya ng serbisyo, ipatupad ang mga preperensiyal na patakaran ng pinansya, buwis, lupa at presyo, at sistema ng may-suweldong pagbabakasyon. Puspusang pauunlarin ang mga industriya ng serbisyo na may kinalaman sa pamumuhay at produksyon, na gaya ng turismo, kalusugan, pangangalaga sa mga matatanda, may inobasyong pagdidisenyo at iba pa.
Dapat pasulungin ang inobasyong teknolohikal sa pamamagitan ng inobasyong pansistema. Dapat pabilisin ang reporma sa paggamit ng bunga sa teknolohiya at pamamahala sa pagkita nito para makapagtamasa ang mga talentong may inobasyon sa mga bunga. Dapat i-angkat ang mga talentong dayuhan. Dapat malalim na isagawa ang plano ng aksyong estratehiko hinggil sa pagmamay-ari ng mga likhang-isip o IPR, buong tatag na bigyan-dagok ang paglabag sa kinauukulang batas, totohanang pangalagaan ang inobasyon para mapasagana ang inobasyon.
Ang mga bahay-kalakal ay main body ng inobasyon. Pasiglahin ang mga bakay-kalakal na dagdagan ang laang-gugulin sa inobasyon. Kakatigan ang paglahok ng mga bahay-kalakal sa pagsasagawa ng mga mahalaga at malaking proyektong pansyensiya at panteknolohiya at konstruksyon ng plataporma ng pananaliksik pansiyensya, para mapasulong ang produkto, pag-aaral, pananaliksik, at inobasyon. Malaki rin ang potensyal ng mga katam-tamang laki, maliliit at mikro na bahay-kalakal. Dapat tulungan sila para maalwang umunlad ang inobasyon.
Ang pokus ng pagtaas sa episyensiya ng inobasyon ay pabutihin ang pagbabahagi ng yamang pansyensiya't panteknolohiya. Dapat pabutihin ang paraan ng pamamahala sa planong pansyensiya't panteknolohiya ng central piscal, at itatatag ang bukas at nagkakaisang plataporma ng pamamahala sa siyensiya at teknolohiya ng bansa. Dapat komprehensibong buksan ang imprastruktura ng mahalagang pananaliksik pansiyensya at mga malaking instrumento ng pananaliksik pansiyensya, para mapasigla ang talento ng mga mamamayang Tsino.
Part V Patuloy na pasulungin ang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at pagtatatag ng lipunan
Ang pinakamahalagang bagay para sa isang bansa ay pagpapayaman ng mga mamamayan. Para mapabuti ang pamumuhay ng mga Tsino, dapat pabilisin ang usapin ng lipunan, baguhin at pabutihin ang sistema ng pamamahagi ng national income, daragdagan ang kita ng mga mamamayan, at pasulungin ang pagiging patas at katarungan ng lipunan at maharmonyang pag-unlad.
Dapat pasulungin ang paglilikha ng trabaho at pagsisimula ng sariling negosyo. Dapat igiit at gawing priyoridad ang hanap-buhay, at pasulungin ito sa pamamagitan ng pagsisimula ng bagong negosyo. 7.49 milyon ang graduates sa taong ito mula sa kolehiyo, at ito ay magiging rekord sa kasaysayan. Dapat palakasin ang patnubay sa hanap-buhay at pagsisimula ng sariling negosyo, at hikayatin ang pagtatrabaho sa kababa-babang units. Isagawa nang mabuti ang plano hinggil sa patnubay sa mga nagtapos sa pamantasan para katigan sila sa pagkakaroon ng sariling negosyo sa bagong-sibol na industriya.
Palakasin ang social security at dagdagan ang kita ng mga mamamayan. Itaas ng 10% ang pensyon ng mga retirado ng mga bahay-kalakal. Itaas ang saligang pensyon ng mga residente sa 70 Yuan RMB mula 55 Yuan RMB. Ipatupad ang reporma ng sistema ng endowment insurance ng mga institusyon, samantalang pabutihin ang sistema ng sahod, at gawing priyoridad ang mga kawani sa kababa-babahang units. Palakasin ang tulong sa mga grabe at malubhang sakit, komprehensibong isagawa ang sistema ng pansamantalang tulong para agarang tulungan ang mga mamamayang may grabe, malubhang sakit at may pangkagipitang kalagayan.
Pasulungin ang pantay-pantay na pag-unlad at pagtaas ng kalidad ng edukasyon. Turuan ang mga estudyante batay sa matayog na katangiang moral, palakasin ang kanilang responsibilidad na lipunan, diwa ng inobasyon, at kakayahan ng praktis, upang mahubog ang tagapagtatatag at tagapagpatuloy ng sosyalistang bansang may katangiang Tsino.
Totohanang gawin nang mabuti ang usaping edukasyon, igarantiya ang laang gugulin, at igarantiya ang edukasyon sa mga bata sa kanayunan at mahihirap na lugar, upang baguhin nila ang sariling kapalaran sa pamamagitan ng pag-aaral.
Pabilisin at kompletuhin ang sistema ng pundamental na panggagamot at kalusugan. Pabutihin ang pundamental na panggagamot at kalusugan ng mga residente sa lunsod at nayon, itaas ang taunang subsidy na piskal sa 380 Yuan RMB mula sa 320 Yuan RMB bawat tao. Komprehensibong isagawa ang sistema ng seguro ng malubhang sakit ng mga residente sa lunsod at nayon. Palalimin ang komprehensibong reporma ng mga organo ng panggagamot at kalusugan sa mga kababa-babaang units, palakasin ang konstruksyon ng mga general practitioner system, pabutihin ang sistema ng multi-level diagnosis and treatment. Komprehensibong palawakin ang reporma sa mga ospital na publiko sa lebel ng bayan. Isagawa ang pilot na ospital sa 100 lunsod , ibaba ang presyo ng mga gamot, at isaayos ang presyo ng serbisyong medikal. Hihikayatin ang mga doktor na magtrabaho sa mga kababa-babaang units at paunlarin ang pagtatatag ng ospital ng pribadong pondo. Itaas ang pondo ng pundamental na kalusugang pampubliko bawat tao sa 40Yuan RMB mula sa 35Yuan RMB, at gamitin ang karagdagang pondo sa pundamental na kalusugang pampubliko sa mga ospital sa kanayunan para makapagbigay-ginhawa para sa pagkokonsulta sa doktor ng mga magsasaka.
Hahayaan ang mga mamamayan na nakapagtamasa ng mas maraming bunga sa pag-unlad ng kultura. Dapat isagawa ang buod na sense of value ng sosyalismo at palaganapin ang tradisyonal na kultura ng nasyong Tsino. Dapat likhain ang mas maraming mabuting works of literature and art. Hikayatin ang pagbasa ng buong nasyon, at itatag ang lipunan kung saan mahilig ang mga mamamayan sa pagbasa. Palalimin ang reporma sa sistema ng kultura, at pasulungin ang pagkakaisa ng mga tradisyonal na media at bagong media. Palawakin ang pagpapalitang kultural ng mga tauhan sa loob at labas ng bansa, at palakasin ang kakayahan sa internasyonal na komunikasyon. Paunlarin ang pagpapalakas ng katawan ng lahat ng mga mamamayan, paligsahan, at industriya ng paligsahan, at gawin nang mabuti ang gawain ng pagbi-bid sa 2022 Winter Olympics.
Palakasin ang pamamahala sa lipunan at pasulungin ang inobasyon hinggil dito. Palalimin ang reporma sa sistema ng pamamahala sa mga organisasyong panlipunan, at pabilisin ang pagkakahiwalay ng mga samahang komersyal at opisyal na organo. Katigan ang paglahok sa pagsasaayos sa lipunan ng mga samahan alinsunod sa batas, paunlarin ang propesyonal na gawaing panlipunan, serbisyo ng mga boluntaryo, at usaping mapagkawanggawa. Enkorahehin ang pribadong pondo sa pagtatatag ng mga panirahan para sa mga matatanda, paunlarin ang serbisyo para sa mga matatanda. Tumulong sa mga kabataan,kababaihan, at matatanda sa kanayunan, at itatag ang sistema ng pangangalagang panlipunan sa mga kabataan sa kanayunan. Dapat isagawa ang matatag na hakbangin para komprehensibong mapalakas ang ligtas na produksyon at maigarantiya ang kaligtasan ng pagkain at gamot.
Dapat igarantiya ang pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng emisyon, at pagsasaayos sa kapaligiran. Ang polusyon sa kapaligiran ay pait ng mga mamamayan, kaya dapat itong mahigpit na pigilin. Sa taong ito, dapat pababain ang pagbuka ng carbon dioxide ng mahigit 3.1%, at pababain ang pagbuga ng chemical oxygen demandng 2%, pababain ang pagbuga ng sulfur dioxide at nitrogen oxides ng 3% at 5% ayon sa pagkasunod.
Dapat mahigpit na ipatupad ang batas, at bigyan ng mahigpit na dagok ang iligal na pagbuga. Parusahan ang panunulsol sa kriminal na aksyon.
Ang produksyon at konsumo sa enerhiya ay may kinalaman sa pag-unlad at pamumuhay ng mga mamamayan. Dapat buong lakas na paunlarin ang wind power, photovoltaic power, at biomass energy, aktibong paunlarin ang hydro-electric power, ligtas na paunlarin ang nuclear power, galugarin at samantalahin ang natural na gas. Dapat gawing bagong pangunahing industriya ang industriya ng pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran.
Dagdagan sa taong ito ng 666,667 hektarya ang saklaw ng pastulan at kagubatan na kasalukuyang ginagamit bilang mga bukirin tungo sa kakahuyan, magtanim ng 6 million hektarya ng kagubatan.
Totohanang palakasin ang konstruksyon ng pamahalaan
Dapat komprehensibong pasulungin ang pangangasiwa sa bansa alinsunod sa batas, pabilisin ang konstruksyon ng pamahalaan na nasa ilalim ng batas, pamahalaan na himukin ang inobasyon, malinis na pamahalaan, at pamahalaan na naglilingkod sa mga mamamayan. Pahigpitin ang lakas ng pag-iral at public credibility ng pamahalaan, para mapasulong ang modernisasyon ng sistema at kakayahan ng pangangasiwa sa bansa.
Dapat pangasiwaan ng pamahalaan ang kapangyarihan alinsunod sa Konstitusyon, pangasiwaan ang administrasyon ayon sa batas, para tumahak ang gawain ng pamahalaan sa landas ng pamamahala ayon sa batas. Ang Konstitusyon ay pundamental na simulain ng aktibidad ng bansa, at dapat mahigpit na sundin ito ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas at mga kawani nito. Ang lahat ng aksyong labag sa batas at regulasyon ay imbestigahan ang pananagutan, at dapat iwasto ang lahat ng hindi mahigpit o pantay-pantay na pangyayari.
Igiit ang inobasyon sa pamamahala, pahalagahan ang pagbibigay ng serbisyo, buong tatag na pataasin ang episyensiya at kakayahan ng pamahalaan. Kusang-loob na tumanggap ang mga pamahalaan sa iba't ibang antas ng superbisyon ng Local People's Congress at pirmihang lupon ng Local People's Congress, tumanggap ng demokratikong superbisyon ng CPPCC committees, at pakinggan ang mungkahi mula sa kinatawan ng people's congress, non-CPC parties, federations of industry at commerce, tauhan na walang partido, at samahang di-pampamahalaan.
Dapat igiit ang paggamit ng kapangyarihan batay sa batas, hayagang itagubilin ang pagtitipid at pigilin ang luho, at malalim na pasulungin ang konstruksyon ng malinis na estilo ng partido at pamahalaan at gawain ng paglaban sa korupsyon. Palakasin ang administratibong superbisyon, at mahigpit na pangasiwaan ang pondong pampubliko, yamang pampubliko at ari-arian ng estado. Mahigpit na parusahan ang korupsyon sa mga administratibong organo o malapit sa mga mamamayan.
Totohanang masipag na pangasiwaan ang pamahalaan para sa mga mamamayang Tsino. Pumasok na sa "bagong normal," ang pag-unlad ng kababayan ng Tsina, kaya dapat may bagong normal din ang pananaw na pangkaisipan. Dapat gawing pinakamalaking responsibilidad ang pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, isabalikat ang konstruksyon ng modernisasyon, at pagmamalasakitan ang kasiyahan ng mga mamamayan.
Mga kinatawan!
Ang Tsina ay isang nagkakaisang bansa na may iba't-ibang grupong etniko, ang pagpapahigpit at pagpapaunlad ng maharmonyang lipunan na may pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, at pagtulong sa isa't isa ay pundamental na interes at komong responsibilidad ng sambayang Tsino. Dapat igiit at pabutihin ang sistema ng awtonomiyang panrehiyon ng mga grupong etniko. Dapat mabuting organisahin ang mga aktibidad bilang pagdiriwang sa Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet at Ika-60 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang. Kung mamumuhay nang mapayapa at maharmonyang uunlad ang mga grupong etniko, tiyak na magiging masagana at maligaya ang nasyong Tsino.
Dapat pasulungin ang harmonya ng mga relihiyon, pangalagaan ang kanilang legal na karapatan at interes, at gumanap ang mga tauhan sa sirkulo ng relihiyon at monghe ng budista ng aktibong papel sa pagpapasulong sa kabuhayan at lipunan.
Dapat mas mabuting patingkarin ng mga etnikong Tsino sa ibayong dagat at kanilang mga kamag-anakan ang mahalagang papel sa modernisasyon ng bansa, at natatanging papel sa pagsulong sa mapayapang pagkakaisa ng Tsina at paghigpit sa pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at mga bansang dayuhan.
Mga kinatawan!
Ang konstruksyon ng matatag na depensa at malakas ng tropa ay pundamental na paggarantiya sa pangangalaga sa soberanya, kaligtasan at pag-unlad ng bansa. Dapat mahigpit na igiit ang layunin ng partido sa pagpapalakas ng tropa sa bagong situwasyon, igiit ang lubos na pamumuno ng partido sa tropa, isaayos ang paghahanda para sa labanang militar sa iba't ibang larangan, at panatilihin ang katatagan ng depensang panghanggahan, pandagat, at panghimpapawid.
Mga kinatawan!
Buong tatag na isasagawa natin ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema," "Namamahala sa Hongkong ang mga taga-HK" "Namamahala sa Macao ang mga taga-Macao," at "awtonomiya sa mataas na antas," at mahigpit na hawakan ang mga isyu ayon sa Konstitusyon ng bansa at Saligang Batas. Buong lakas na kakatigan ang pangangasiwa ng mga opisyal ng HK at Macao at pamahalaan, at kakatigan din ang pagpapaunlad ng kabuhayan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagsulong sa demokrasiya, pagsulong sa harmonya. Palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mainland at HK at Macao sa iba't ibang larangan, at patuloy na patingkarin ng HK at Macao ang natatanging papel sa reporma at pagbubukas sa labas, at konstruksyon ng modernisasyon ng bansa.
Igiit natin ang patakaran at simulain sa gawain ng Taiwan, pahigpitin ang kabatayang pulitikal ng paggiit sa 1992 Consensus at paglaban sa pagsasarili ng Taiwan, para mapanatili ang tamang direksyon ng mapayapang pag-unlad ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits. Nananalig tayo sa patuloy na pagtitiwalaan at pagpapalapit sa isa't isa ng mga kababayan ng magkabilang pampang, para makapag-ambag sa mapayapang pagkakaisa ng nasyong Tsino.
Mga kinatawan!
Patuloy na iwawagayway natin ang bandila ng mapayapang pag-unlad, pagtutulungan at win-win situation, buong tatag na pangalagaan ang kaligtasan ng soberanya at interes ng pag-unlad, pangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan sa ibayong dagat ng mga mamamayang Tsino at legal persons, para mapasulong ang konstruksyon ng bagong relasyong pandaigdig na pinaka-ubod ng kooperasyon at win-win situation. Palalalimin ang estratehikong diyalogo at pragmatikong pagtutulungan sa mga malalaking bansa para maitatag ang malusog at matatag na balangkas ng relasyon ng mga malaking bansa. Komprehensibong pasusulungin ang relasyon sa mga kapitbansa, at palalakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan sa mga umuunlad na bansa. Aktibong lalahok sa pandaigdigang multilateral na suliranin para mapasulong ang mas makatuwiran at makatarungang direksyon ng sistema at kaayusang pandaigdig. Idaraos ng mabuti ang mga aktibidad bilang pagdiriwang sa Ika-70 anibersaryo ng tagumpay sa laban ng mundo kontra Pasismo at digmaang Tsino laban sa pananalakay ng Hapon. Nakahanda tayong magsikap, kasama ng iba't ibang bansa ng daidig, para mapangalagaan ang walang hangganang kapayapaan, maitatag ang mas masaganang daigdig.
Mga kinatawan!
Kinakaharap ng Tsina ang pagkakataon ng pag-unlad at kasaganaan. Dapat mahigpit na makipagbuklod sa paligid ni Xi Jinping, pangkalahatang kalihim ng Partido Komunista ng Tsina, iwagayway ang bandila ng sosyalismong may katangiang Tsino, magkaisa, mapalikhang inisyatiba, magsikap para mapatupad ang target ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa taong ito, para bigyan ng bago at mas maraming ambag ang pagpapatupad ng Two Centenary Goals, pagtatatag ng masagana, demokratiko, maharmonyang modernong sosyalista bansa, pagpapatupad ng pag-ahon ng nasyong Tsino at Chinese dream!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |