Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Marami pang nararapat gawin sa Pilipinas; BBL, huwag madaliin

(GMT+08:00) 2015-03-20 17:43:23       CRI

MAS MATATAG NG MGA KOMUNIDAD, ITATAYO. Bilang Phase II ng kanilang tatlong taong programa ng Simbahang Katolika sa Pilipinas, bibigyang pansin ang mas matatag na pamayanan sa siyam na lalawigang tinamaan ni "Yolanda." Ito ang sinabi ni Fr. Edwin Gariguez, Executive Secretary ng NASSA/Caritas Philippines. Sa unang taon ng proyekto na nagtapos ngayong Marso, gumugol sila ng P 587 milyon. (Melo M. Acuna)

Pagbuo ng matatag na komunidad, prayoridad ng Simbahan

PAGTATAYO ng matatatag na komunidad ang prayoridad ng Simbahang Katolika sa Pilipinas. Ito ang pangalawang palatuntunan ng Simbahan sa mga pook na napinsala ni "Yolanda."

Ayon kay Fr. Edwin Gariguez, Executive Secretary ng NASSA at Caritas Philippines, nasa ikalawang bahagi na ang kanilang ayuda sa mga biktima ng napakalakas na bagyo noong 2013. Magsisimula ang kanilang programa sa susunod na buwan.

Ipinaliwanag niyang ang unang bahagi ng pagtulong ay pagtatayo ng mga napinsalang tahanan, mas matatag na komunidad ang inaasahan nilang magaganap sa kanilang programa. Bibigyang pansin ang kakayahan ng mga komunidad na mananatiling nakatayo sa gitna ng mga kalamidad.

Ang mga komunidad na rin ang mag-aayos ng mga tahanan at iba pang gusaling maaaring mapinsala ng mga sama ng panahon. Mahalaga rin ang pagpapanatili ng mga pinagkakakitaan ng mga komunidad.

Ayon kay Fr. Gariguez, noong nakalipas na Pebrero, nakapagtayo na ang NASSA/Caritas Philippines ng 2,241 matitibay na matitirhan, nag-ayos ng 264 mga tahanan at nagtayo ng 3,540 iba't ibang water and sanitation facilities. Nagtatayo pa sila ng 264 na mga tahanan at nag-aayos ng may 98 units. May naibigay na ring hanapbuhay tulad ng pangingisda, paghahayupan at micro-enterprise sa may 5,518 tahanan.

Sinimulan ang kanilang programa noong Abril 2014 at tatagal ng tatlong taon sa sinasabing pinakamalawak na recovery program ng simbahan sa siyam na mga lalawigan tulad ng Leyte, Western Samar, Eastern Samar, palawan, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Cebu.

Nagpasalamat si Fr. Gariguez sa higit sa 30 kasaping mga organisasyon na saklaw ng Caritas Internationalis. Umabot ang budget sa unang taon pa lamang sa halagang P 587 milyon.


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>