Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wine ng Timog Aprika

(GMT+08:00) 2015-03-26 17:32:09       CRI

Ang pag-inom ng "baijiu," o Chinese White Wine ay isang matandang kaugalian at paraan ng pakikisama sa Tsina. Saan mang dako ng bansa, makikita ang mga Tsino na umiinom nito kapag may espesyal na okasyon at anumang uri ng pagdiriwang: kung minsan pang-hagod ng pagod pagkatapos ng trabaho maghapon.

Ang Baijiu o Chinese White Wine ay may 40–60% alcohol by volume (ABV).

Ito ay transparent na parang tubig at kadalasang mula sa pagdi-distill ng sorghum: pero, maari rin naman itong manggaling sa ibang pinagkukunan, na gaya ng bigas, wheat, barley, millet, at marami pang iba.

Sa Pilipinas, mayroon tayong lokal na bersyon ng baijiu, at ito ay may (25% ABV at ginagamit bilang Chinese medicinal wine).

Maraming uri ang baijiu, ilan sa mga ito ay:

• Yanghe (洋河, yánghé)

• Fenjiu (汾酒, fénjiǔ) na may 63–65%

• Erguotou (二锅头, èrguōtóu) Ito ang inumin ng masa

• Moutai (茅台, Máotái). Ito ay may 200 kasaysayan at mula sa bayan ng Maotai, probinsya ng Guizhou. Ito ay mula sa wheat at sorghum at may unique distilling process. Kilala ito dahil ito ay nanalo ng gold medal sa 1915 Panama-Pacific Exposition sa San Francisco, California. Ito rin ang inihahanda para sa mga dignitaryo at panauhing pandangal ng Tsina. Sinabi minsan ni Henry Kissinger, dating Secretary of State ng Amerika, kay Deng Xiaoping, dating Pangulo ng Tsina, "if we drink enough Maotai, we can solve anything".

Mga kaibigan, kahit kilala ang Chinese White Wine o baijiu rito sa Tsina, ang red wine at western white wine at iba pang inumin mula sa Kanluran ay nagpupunyagi pa rin upang maging popular. Pero, alam po ba ninyo, may isang taga-Timog Aprika sa lunsod ng Shanghai na gumagawa ng paraan upang makilala ng mas maraming Tsino ang red wine at white wine? Sa ating kuwento ngayong gabi, sisilipin natin ang biyahe ng buhay sa Shanghai ni Calvin Van Zyl. Pakinggan po natin ang kanyang kuwento.

Si Calvin Van Zyl sa isang bar sa Shanghai, Tsina

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>