|
||||||||
|
||
20150402ditorhio.m4a
|
Mga kaibigan, tungkol po sa musika ang ating programa ngayong linggo, at dalawa na namang laowai na may kakaibang kuwento ang ating tutunghayan.
Si Rossana Estrada ay isang 20 taong dalaga mula sa Bogotá, Colombia.
Nagpunta siya rito sa China noong siya ay 16 na taong gulang. Makaraan ang 4 na taon, marami na siyang natutuhan tungkol sa paraan ng pamumuhay sa bansa.
Si Rossana ngayon ay isang guro ng Latin dance, at isa ring performer.
Higit sa lahat, gusto niyang i-promote ang sayaw, musika, at kultura ng Colombia sa Tsina.
Si Rossana Estrada
Si Timothy Khang naman ay isang Korean-American. Ipinanganak siya sa South Korea at lumaki sa Amerika.
Si Tim ay naging independent mula sa murang edad at nagsimula ang kanyang buhay bilang global citizen, pagkaraan niyang mag-gradweyt sa University of California, Los Angeles (UCLA).
Si Tim ngayon ang senior business manager ng LINKO-HR, isang human resource company sa Beijing.
Bukod dito, si Tim ay miyembro rin ng isang banda. At kapag may libreng oras, tumutugtog sila sa mga music club sa Beijing.
Si Timothy Khang
"Mga kaibigan, sa episode na ito ng Dito Lang 'Yan Sa Tsina (DLYST), dalawa na namang laowai na may kakaibang kuwento ang ating tutunghayan. Ang una ay tungkol kay Rossana Estrada, isang 20 taong dalaga mula sa Bogot , Colombia; at advocate ng sayaw, musika, at kultura ng Colombia, at ang pangalawa ay tungkol Timothy Khan, isang Korean-American. na senior business manager ng isang human resource company at part-time rakista. Narito po ang kanilang kuwento."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |