|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, mamumuno sa ika-73 paggunita sa Araw ng Kagitingan
DADALO at magsasalita si Pangulong Aquino sa ika-73 taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mount Samat, Pilar, Bataan, bukas ng umaga. Gagawaran siya ng full-military honors sa oras ng kanyang pagdating.
Mag-aalay din siya ng bulaklak sa Shrine of Valor at susundan ng mga mensage nina Japanese Ambassador Kazuhide Ishikawa at US Ambassador Philip Goldberg.
Ang tema ng paggunita ay "Ipunla ang Kagitingan sa Kabataan, Ihanda ang Beterano sa Kinabukasan."
May 1,000 mga pulis ang ikakalat sa Pilar, Bataan at Capas, Tarlac para sa paggunita.
May 5,000 mga beterano, kanilang pamilya at mga panauhin ang inaasahan sa okasyon.
Noong ika-9 ng Abril, 1942, may 75,000 mga kawal na Filipino at Americano ang naging prisoners of war na puwersahang pinaglakad ng may 100 kiloemtro mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga matapos ang tatlong buwang pakikidigma sa mga Hapones. Isinakay sila sa mga tren patungo sa Camp O'Donnel sa Capas, Tarlac na naging bilangguan nila haggang 1945.
Isang piyesta opisyal ang Araw ng Kagitingan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |