|
||||||||
|
||
Bangkay ng manggagawang nasawi sa Libya darating bukas
SINABI ni Vice President Jejomar C. Binay na darating na ang labi ni Jupiter Adrias, ang Filipinong manggagawang nasawi sa isang rocket attack sa Libya.
Si Adrias ang kaisa-isang Filip[inong nasawi na rocket attach sa bayan ng Zawiyah sa hilagang – silangang bahagi ng Libya na ikinasugat ng tatlong iba pang Filipino, apat na Libyan nationals at isang tubong Africa.
Humiling ng tulong ang mga kamag-anak ni Adrias kay G. Binay na nakipagtulungan naman sa Department of Foreign Affairs at sa Overseas Workers Welfare Administration sa pag-uuwi ng labi ng biktima. Tutulong na rin ang tanggapan ni G. Binay sa paghahatid ng labi sa Capiz.
Nakatakda na sanang umuwi sa Pilipinas si Adrias ngayong Abril sa pagtatapos ng kanyang kontrata.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |