Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hanep na bookstore

(GMT+08:00) 2015-04-16 16:12:34       CRI

Mga kaibigan, kelan kayo huling nagpunta sa library o bookstore? Ako, matagal na panahon na ang nakaraan.

Alam po ba ninyo kung bakit? Dahil po sa information age.

Sa panahon ngayon, madali nang ma-access ang lahat ng impormasyon na kailangan ninyo sa pamamagitan ng pagpindot sa buton ng inyong kompyuter, o di kaya ay touch pad ng inyong mga smart phone.

Ito ay kombinyente at episyenteng paraan ng pangangalap ng impormasyon sa maikling panahon.

Pero, dahil sa kagawiang ito, marami nang mga tradisyonal na bookstore at library ang nakakaligtaang bisitahin ng marami sa ating mga kabataan at chikiting.

Pero, alam po ba ninyo, dito sa Tsina, may isang laowai, o dayuhang naninirahan at nagtatrabaho sa bansa ang nakaisip ng hanep na paraan ng muling pagbuhay sa mga library at bookstore?

"I think the world would be a better place if people read more," iyan po ang sinabi ni Peter Goff, Co-owner ng Bookworm Beijing.

Si Peter ay 12 taon na sa China. Una siyang nagpunta sa bansa bilang isang mamamayahag.

Nagsimula siyang ma-involve sa Bookworm ilang taon na ang nakalipas, at ngayon, siya na ang nagpapatakbo ng 3 sangay nito.

Si Peter

Ang ating ikalawang kuwento ay tungkol naman sa isang artist na may misyon. Ano ang kanyang misyon? Protektahan ang kalikasan at mga nanganganib-mawalang hayop sa pamamagitan ng kanyang sining.

Si Guillermo Munro Colosio ay isang Mexican-American artist na kilala sa tawag na Memuco.

Ipinanganak siya sa Los Angles at lumaki sa Mexico. Ang kanyang trabaho ay tagagawa ng mga infographic para sa mga diyaryo.

Pero, bukod dito, gumagawa rin siya ng mga obrang nagpapakita ng kalulunus-lunos na kalagayan ng mga hayop.

Ginagawa niya ito upang ipakita sa lahat ang kahalagahan ng mga hayop at kalikasan sa buhay nating mga tao, at upang maitaas ang ating kamalayan upang pangalagaan ang mga likas na yamang ito.

Dumating si Memuco sa China 4 na taon na ang nakakaraan, at sa palagay niya, malaki ang impluwensya sa kanyang sining ng kanyang pamumuhay sa Tsina.

 

Si Guillermo Munro Colosio

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>