|
||||||||
|
||
20150423ditorhio.m4a
|
Ang Kung Fu at Wushu ay mga karaniwang salitang iniu-ugnay sa Chinese Martial Arts. Pero, alam po ba ninyo na ang mga terminong "Kung Fu" at "Wushu" ay magkaiba ang ibig sabihin?
Totoo po mga kaibigan! Ayon sa Ingles na bersyon ng website ng China Central Television (CCTV), opisyal na himpilan ng telebisyon ng Tsina, ang salitang "Wushu" ay nangangahulugang "Martial Arts;" kaya, ang Chinese "Wushu" ay nangangahulugang Chinese Martial Arts.
Kapag sinabing "Wushu," hindi po ibig sabihin na Chinese Martial Arts, kundi martial arts lang po.
Samantala, ang "Kung Fu" ay may literal na kahulugang "skills cultivated through long and hard work."
Kaya, ang terminong ito ay maaaring gamitin kahit sa mga larangang walang kaugnayan sa martial arts.
Ito'y maaring gamitin sa mga larangang gaya ng siyensya at teknolohiya, sining, at kahit anong bagay kung saan may karunungan ang isang tao.
Sa ngayon, ang salitang "Wushu" ay pangalan na rin ng makabagong sport, kung saan itinatanghal ang paggamit ng mga tradisyonal na sandata ng Tsina at ipinapakita ang mga bare handed techniques.
Mababakas ang pinagmulan ng Chinese "Wushu" mahigit 6,000 taon na ang nakakaraan.
Ang Chinese "Wushu" ay integral na bahagi ng kulturang Tsino.
Si Byron Jacobs ay isang dating professional na atleta ng "Wushu" mula sa Timog Aprika.
Sa ngayon, siya ay nasa Tsina, upang magsanay at palaganapin ang Chinese Martial Arts o Chinese "Wushu" sa buong mundo. Pakinggan po natin ang kanyang kuwento.
Si Byron Jacobs
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |