|
||||||||
|
||
Fokker plane ng Air Force, nag-crashland sa Legazpi City Airport
EROPLANO NG PHILIPPINE AIR FORCE, NAG-CRASH LAND. Mabuti na lamang at walang nasawi o nasugatan sa crashlanding ng isang Fokker plane ng Armed Forces of the Philippines na mule sa Maynila. Nag-crash land lang eroplano bago ng ika-sampu ng umaga. Hindi bumaba ang gulong sa unahang bahagi ng eroplano. (Nong Rangasa)
ISANG eroplano ng Philippine Air Force na may taile no. 10669 mula Maynila ang nag-crash land sa Paliparan ng Legazpi kaninang mag-iika-sampu ng umaga.
Ayon kay Chief Supt. Vic Deona, Bicol Police Regional Director, ang mga piloto ay sina Major Dimapilis at isang Captain Valdez. Sakay sina Lt. Ringao, Technical Sgt. Fuentes, Staff Sgt. Valencia at Airman Second Class Habito.
Nabatid sa pagsisiyasat na hindi nakalabas ng maayos ang gulong sa unahan ng eroplano.
Sa pangyayaring ito, nabalam ang Cebu Pacific Flight 5J324 at Philippine Air Lines Flight 2926 na pabalik na ng Maynila. Tuloy ang pagsisiyasat ng Philippine Air Force sa insidente, dagdag pa ni Chief Supt. Deona.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |