|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, ilulunsad ang bagong passenger terminal sa Cebu
PAMUMUNUAN ngayon ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang groundbreaking ceremony para sa bagong passenger terminal sa Mactan-Cebu International Airport na sinasabing kauna-unahang "resort airport" sa daigdig.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na sa pagtatayo ng bagong terminal building ang MCIA ay makatatanggap ng hanggang 15 milyong pasahero mula sa karaniwang 4.5 milyon ngayon.
Ang pag-aayos ang siyang makatutulong sa ekonomiya at magpapaganda sa reputasyon ng bansa bilang isang tourist at business destination.
Ayon kay Transport Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, ang pagtatayo ng bagong terminal ang kauna-unahang pakikipagtulungan ng Aquino Administration sa pribadong sektor sa pamamagitan ng Public Partnership Project. Sa proyektong ito, ang Cebu ang pangalawang gateway na siyang senyal na pagsisimula ng pagpapaunlad ng mga pakiparan sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Napagwagian ng GMR-Megawide Cebu Airport Corporation ang 25-taong concession agreement na patakbuhin ang paliparan sa pag-aalok ng bid na P14.4 bilyon.
Matatapos ang bagong paliparan sa 2018 samantalang ang pag-aayos ng kasalukuyang terminal para sa domestic flights ay inaasahang matatapos sa taong 2019.
Nakatakdang dumating si Pangulong Aquino sa Cebu matapos ang inspeksyon ng ginagawang paliparan sa Puerto Princesa City sa Palawan kaninang umaga.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |