|
||||||||
|
||
Bangsamoro Basic Law, paksa rin sa pagpupulong ng mga obispo
NAPAG-USAPAN sa katatapos na plenary assembly ng mga obispo ng Pilipinas ang panukalang Bangsamoro Basic Law. Ito ang sinabi Arsobispo Romulo Valles, ang Arsobispo ng Davao at pangalawang pangulo ng CBCP, sa idinaos na press briefing kanina.
Ipinaliwanag ni Arsobispo Valles na wala silang sinasangayunan at 'di sinasangayunan sa mga panukalang batas na naglalayong makabuo ng Bangsamoro Basic Law na pinag-uusapan pa sa Senado at Kongreso.
Napapaloob sa kanilang pahayag ang kaisipan at mga layunin ng mga katarungang panglipunan at kultura.
Ipinaliwanag pa ni Arsobipso Valles ang kahalagahan ng pagsasama sa iba't ibang grupo, tribo at mamamayan sa Mindanao sa pagpapatibay ng Bangsamoro Basic Law. Wala silang pahayag kung hahayaan nilang ang susunod na administrasyon ang magsusulong ng BBL hanggang sa maging ganap na batas sapagkat ito'y na sa kakayahan ng mga mambabatas at hindi ng mga pari at obispo.
Binanggit din ni Arsobispo Villegas na wala pa silang pahayag hinggil sa nalalapit na halalan sapagkat magpupulong pa naman sila sa darating na Enero, dalawang buwan matapos mag-file ng kanilang certificates of candidacy ang mga interesadong kumandidatong pangulo, pangalawang pangulo at mga senador ng bansa.
Bagaman, sinabi niya na naging panauhin nila si Comelec Chairman Andy Bautista hinggil sa nalalapit na halalan at humingi ng updates sa computerization ng pagboto.
Layunin ng mga obispo na maging transparent at walang anumang itatago sa madla ang nalalapit na halalan. Kailangan ding maging maaasahan o efficient ang political exercise at kailangang magkaroon ng public accountability o pagpapanagot sa mga kailangang managot sa oras ng paghahanda hanggang sa matapos ang halalan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |