|
||||||||
|
||
Pulong sa kakulangan ng tahanan, gagawin sa Maynila
ISANG mahalagang pulong ang gagawin sa Manila Hotel sa darating na ikatlo at ika-apat ng Setyembre kasabay ng 5th Asia-Pacific Housing Forum na idaraos sa Hong Kong. Pangangasiwaan ng Habitat for Humanity Philippines ang pulong na katatampukan ng mga kinatawan ng pamahalaan, mga ahensya, private developer, financial institutions, technology providers, academe at media.
Pagtutuunan ng pansin ang housing subsidy at pagpapakilos ng mga palatuntunan ng Habitat for Humanity na pagsasama-sama ng mga mamamayan at komunidad at mga kinatawan ng iba't ibang sektor.
Ito ang panimula sa mas malaking pulong na pinamagatang National Housing and Urban Development Summit 2016 na suportado ng World Bank at Habitat III, ang pagpupulong na nagaganap sa bawat 20 taon.
KAKULANGAN NG TAHANAN, MALUBHA. Sinabi ni Gina Virtucio (dulong kaliwa), tagapagsalita ng Habitat for Humanity Philippines na kulang ng 4 milyong tahanan ang mga Filipino. Sa kanilang pagsususri. aabot ito sa 6.5 milyon sa 20130. (Melo M. Acuna)
Ayon kay Gina Virtucio, tagapagsalita ng Habitat for Humanity Philippines, kulang ang mga tahanan sa bansa sa bilang na higit sa apat na milyon at inaasahan pang tataas at matatamo ang bilang na 6.5 milyon sa taong 2030.
Apat sa bawat sampung pamilyang Filipino ang walang sariling tahanan at walang anumang security of land tenure.
Sa urban areas, apat sa bawat sampung pamilyang Filipino ang naninirahan sa slum areas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |