|
||||||||
|
||
Dalawang kawal napaslang samantalang patungo sa pamilihan
NAKAPASLANG na naman ang Abu Sayyaf ng dalawang kawal na nagtungo sa palengke kahapon subalit pagdating ng reinforcements, posibleng napaslang ang 'di pa mabatid na sumalakay sa Sulu.
Ayon kay Brig. General Alan Arojado, 10 mga militante ang nagpaputok sa mga kawal kahapon. Napaslang dalawa at napagnakawan pa ng isang motorsiklo bago tumakas patungo sa magubat na bahagi sa lalawigan. Pawang naka-sibilyan ang mga biktima at may mga dalang sandata. Napaslang sila bago pa man nakabunot ng kanilang mga dalang pistola.
Ayon sa isang military report, ang mga nanalakay ay mula sa grupong pinamumunuan ni Moammar Askali. Nakatanggap umano ng malaking ranson ang grupo bilang kapalit ng pagpapalaya sa dalawang Alemang turista noong Oktubre. Nakabili sila ng mga bagong armas mula sa ransom na ibinayad sa kanila.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |