|
||||||||
|
||
20150910ditorhio.m4a
|
Mga kaibigan, narinig na ba ninyo kung ano ang TEDx? Nakakita na ba ninyo sa Youtube ng mga TEDx video? Minsan ay nakapanood po ako nito sa Youtube na kinuha sa University of the Philippines (UP), kung saan nagsalita si Professor Felipe Jocano Jr. tungkol sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas at relasyon nito sa ating ipinagmamalaking sining na Arnis/Eskrima/Kali.
Ang TEDx ay tungkol sa "ideas worth spreading." Sinusuportahan nito ang mga independent organizer na nagnanais gumawa ng kanilang sariling event sa kani-kanilang lokalidad.
Ang TEDx Program ay ginawa para tulungan ang mga komunidad, organisasyon, at mga indibidwal na mag-umpisa ng porum upang pag-usapan ang mahahalagang isyung panlipunan na nakakaapekto sa lahat.
Alam po ninyo mga kaibigan, mayroon na ring TEDx dito sa Beijing.
Sa pangunguna ni James Flanagan, half French, half American, na 9 na taon nang nasa Tsina, naitayo ang TEDx Beijing.
Sa maniwala po kayo o sa hindi, dalawa't kalahating taon na ring pinamumunuan ni James TEDx Beijing. Aniya, marami siyang natutunan sa loob ng panahong ito, at mas nakilala rin niya ang Tsina at ang mga mamamayan nito. Pakinggan po natin ang kanyang kuwento.
Para naman sa ating ikalawang kuwento, buhay naman ng isang New York drummer na nasa Beijing ang ating tutunghayan. Ipinanganak sa Bronx, New York, nag-umpisang tumugtog si Kris sa murang edad at nadiskubre niya ang kanyang passion sa musika sa panahong ito.
Sa ngayon, si Kris ay miyembro ng isang Latin music band sa Beijing at ipino-promote ang Latin music kulturang Latino sa Tsina.
Siya ay nagsimulang tumira sa Beijing, 4 apat na taon na ang nakakaraan, at sa panahong ito, si Kris ay nai-transform mula sa isang New Yorker sa isang tunay na Beijinger.
Gusto ni Kris ang Beijing at mananatili siya sa lunsod hanggat makakaya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |