Pagbibitiw ni Trade and Industry Secretary Domingo ikunalungkot, ikinagulat
IKINALUNGKOT ng Makati Business Club ang pagbibitiw ni Trade and Industry Secretary Gregory Domingo sa panahon ng ibayong paghahanda sa pagiging punong-abala ng Pilipinas sa darating na Asia Pacific Economic Cooperation leaders meeting at sa huling taon ng panunungkulan ng Aquino administration.
Ayon sa Makati Business Club, isang magaling na kabalikat si Secretary Domingo ng pribadong sektor upang maging magandang pook ang bansa para sa mga mangangalakal, pagsusulong at paglahok sa trade and investment missions sa iba't bansa at maging sa pagsalubong sa mga business delegations.
Iginagalang ng MBC ang mga dahilan sa paglisan sa kanyang tanggapan ni Secretary Domingo at iginagalang din ang desisyon ng Malacanag. Umaasa umano ang MBC na ang makakahalili ni Secretary Domingo ay isang taong may integridad at kakayahan.
1 2 3