|
||||||||
|
||
20150917ditorhio.m4a
|
Mga kaibigan, ang kasaysayan ng tsaa sa Tsina ay talagang mahaba at komplikado. Ang sigurado, sa loob ng maraming henerasyon, ito ay iniinom ng mga Tsino. Ayon sa maraming iskolar, gamot daw ang tsaa para sa maraming karamdaman; para naman sa mga miyembro ng maharlikang pamilya noong sinaunang panahon, status symbol ang pag-inom ng tsaa.
Ang ating kuwento ngayong gabi ay tungkol sa pag-inom ng tsaa at negosyo ng tsaa. Si Martin Papp, ay isang Amerikanong naninirahan sa Tsina nitong 6 na taong nakaraan. Siya rin ang may-ari ng isang tea shop sa Sanlitun area. Ang dahilan kung bakit niya binuksan ang outlet na ito ay "pagmamahal sa tsaa." Nais ni Martin na mas maraming kabataan ang muling mahilig sa pag-inom ng tsaa. Aniya, "after all China produces great tea." Pero, noong unang magpunta sa Tsina si Martin, hindi pagtatayo ng negosyo ang balak niya: gusto niyang maging musician. Tunghayan po natin ang kuwento ni Martin at kung paano nangyari ang pagbabago ng kanyang hilig, mula sa musika, papunta sa tsaa.
Mula sa pag-inom ng tsaa, magpunta naman tayo sa pag-inom ng wine, partikular, Chile wine.
Ang taga-Chile na si Mariano Larrain Hurtado ay nagbukas ng isang wine cellar sa Beijing, 3 taon na ang nakakaraan. Aniya, madali raw para sa kanya ng magbukas ng negosyo ng wine sa Tsina dahil mahigit 100 taon nang nasa negosyo ng wine ang kanyang pamilya sa Chile.
Sa kanyang pagnenegosyo sa Beijing, marami siyang naging kaibigan. "I'm known as the wine seller in the neighborhood," aniya pa."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |