|
||||||||
|
||
Senador Ferdinand Marcos, Jr., tatakbo rin sa pagka-bise presidente
SINABI na ni Senador Ferdinand R. Marcos, Jr., anak na lalaki ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na tatakbo rin siya sa pagka-pangalawang pangulo sa 2016. Malamang na makasama niya sa kanyang pagtakbo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sa isang pahayag, sinabi ng senador na nagdesisyon na siyang tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo at umaasa siyang huhusgahan siya ng mga mamamayan ayon sa kanyang nagawa sa nakalipas na 26 na taon. Hindi niya binanggit ang kanyang yumaong ama na inaakusahan ng mga paglabag sa karapatang pangtao matapos magdeklara ng batas militar noong 1972 at nanungkulan hanggang mapatalsik noong 1986.
Inakusahan ang kanyang pamilya ng pagkamkam ng yaman ng bansa.
Tumakas ang pamilya Marcos patungong Hawaii noong 1986 at doon na pumanaw ang dating diktador noong 1989.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |