|
||||||||
|
||
sw20151013.m4a
|
Sa programa ngayong gabi, ibibida namin sa inyo ang isang nakababatang mang-aawit, si Liang Bo. Siya ngayon ay 24 taong gulang lamang. Noong 2012, sa edad na 21 taong gulang, naging kilala siya dahil sa pagiging kampeon sa TV talent show na "The Voice of China" First Season. Noong panahon iyan, si Liang ay isang estudyante sa kolehiyo, at walang anumang karanasan sa pormal na pagtatanghal. Unexpected ang pagiging kampeon niya sa "The Voice of China."
Hindi kilala ng publiko ang pangalan ni Liang Bo bago siya lumahok sa "The Voice of China" noong 2012. Noong ipalabas ang "The Voice of China" sa TV sa kauna-unahang pagkakataon, ito ang naging pinaka-popular na TV Show na lumikha ng bagong record audience rating. Marami sa mga kalahok ay may talento at mahusay sa pagkanta, at nagiging popular pagkaraan ng contest na ito. Ang pagiging kampeon ni Liang Bo ay malaking sorpresa, hindi ito inaakalang ng media. Nagkomento ang ilang critics na siya ay hindi nararapat manalo sa kompetisyon. Pero, marami rin naman ang may gusto sa kanya. Ayon sa kanyang fans, kahit wala siyang mahusay na skill, ang kanyang simple and natural voice can move the hearts.
Maraming di-inaasahan sa kuwento ni Liang, pagkaraan ng panalo sa kompetisyon, tinanggihan ni Liang Bo ang anumang panayam ng media, at "nawala" sa mata ng publiko. Bumalik siya sa kolehiyo at pinagtuloy ang pag-aaral. Ang kanyang personality: living truly, simply, overlook fame, ay sumusunod sa spirit ng Rock——"Freedom is everything," at ito siguro ang dahilan kung bakit sa kanyang pag-awit, maraming damdamin ang kanyang naaantig.
Isinilang si Liang Bo noong 1991, ang 24 na gulang ay hindi pa nakahandang maging isang "Star," kahit naging kilala dahil sa "The Voice of China." Ang kanyang pamumuhay ay karaniwan, tulad ng dati, sumasakay siya sa bus, simple ang kanyang kasuotan. Iilan ang kanyang pormal na pagtatanghal, pero, kung minsan, nagpapalabas siya ng mga awit na nilikha niya mismo.
Hindi pa nakakapanayam ng media si Liang, pero sa contest na "The Voice of China," nabanggit niya na nakahanda siyang maging isang songwriter o musician, hindi lamang singer. Bata pa siya, everything is possible, sana, maliwanag ang kanyang maging hinaharap.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |