|
||||||||
|
||
Simbahan, maglalaan ng P13 milyon para sa mga nasalanta
ANG Simbahang Katolika sa Pilipinas sa pamamagitan ng National Secretariat of Social Action/Caritas Philippines ang maglalaan ng P 13.21 milyon para sa mga pook na nasalanta ng pinakahuling bagyong tumama sa bansa.
Sa pamamagitan ng Caritas Internationalis na pinamumunuan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, ang nakatakdang tumulong sa may 25,000 katao sa pagkakaroon ng ready-to-eat food, tubig na maiinom, hygiene kits, emergency shelter at iba pang kagamitan tulad ng mga kumot, banig at kulambo.
Target ng simbahan ang mga may kapansanan, matatanda, mga dalagang ina at ang mga may karamdaman sa pinakanasalanta at 'di marating kaagad na mga pook.
Ito ang sinabi ni Fr. Edu Gariguez, executive secretary ng NASSA/Caritas Philippines.
Nangako na ang Cordaid o Caritas Netherlands ng P 2.12 milyon samantalang may ipadadala ang Catholic Relief Services o Caritas USA na P 2.32 milyon.
Masasaklaw ng emergency program ang 15 lalawigan na tinutulungan ng 16 na diyosesis sa Central at Southern Luzon, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos at Calabarzon. Ang mga ito ay ang mga lalawigan ng Aurora, Quezon, Cagayan, Nueva Vizcaya, Quirino, Nueva Ecija, Kalinga, Benguet, Pangasinan, Zambales, Rizal, Cavite, Batanes, La Union at Abra.
Umabot na sa 20 katao ang nasawi samantalang 300,000 katao ang apektado ng bagyo mula ng tumama sa Aurora Province noong Linggo ng madaling araw. May mga pook na hirap marating dahil sa pagguho ng lupa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |