|
||||||||
|
||
151029melo.mp3
|
Special Report (Part 1)
Tacloban at mga kalapit na pook, unti-unting bumabangon
TACLOBAN AT MGA KALAPIT POOK, UNTI-UNTING BUMABANGON. Ito ang sinabi ni Chief Supt. Cedrick Train, ang Officer in Charge ng PNP Regional Office No. 8 sa Tacloban. Ang mga lumikas, maliban sa mga kabataang nagkaroon na ng trabaho sa ibang pook, ay nagsisimula nang umuwi sa Region VIII. (Melo M. Acuna)
SA halos magdadalawang taon matapos tumama ang super typhoon na si "Yolanda" noong ikawalo ng Nobyembre, unti-unting nakakabawi ang mga mamamayan sa pamamagitan ng mga ahensya ng pamahalaan, mga international organizations at pakikiisa na rin ng mga biktima.
Ito ang sinabi ni Chief Supt. Cedrick Train, ang officer-in-charge ng PNP Regional Office No. 8 sa Tacloban City. Nakikita na rin ang bunga ng "build-back better."
Idinagdag niyang kailangang magkaroon ng pagkakakitaan ang mga biktima upang higit na umunlad. Mayroong psycho-social impact ang nakalipas na trahedya kaya't higit na kailangan ang poverty-alleviation projects.
Unti-unti na ring bumabalik na sa Tacloban at mga kalapit-pook. Maliban sa ilang mga mamamayang nakakita ng "greener pastures", karamihan ay bumabalik na rin. Ang mga matatandang biktima ay bumabalik na sa Region VIII maliban sa mga kabataang nagkaroon na rin ng hanapbuhay sa ibang pook. .
Sa tanong kung may humihingi ng tulong na hanapin ang mga kamag-anak at mahal sa buhay na nawawala pa hanggang ngayon, sinabi ni Chief Supt. Train na kanilang pinapayuhang makipag-alam sa Department of Social Welfare and Development at maging sa local government units.
Walang napupunang anumang pagtaas ng bilang ng krimen laban sa ari-arian at sa tao sa nakalipas na panahon. Kung mayroon man ay mga pawang away ng mga nakainom ng alak at walang anumang malaling mga insidente.
Umaasa si Chief Supt. Train na magpapatuloy ang pagbangon ng mga mamamayan sa Silangang Kabisayaan sa pagsapit ng ikalawang taong anibersaryo ng bagyong "Yolanda" o "Haiyan" na ikinasawi ng higit sa 7,000 katao samantalang higit pa sa 1,000 ang naitalang nawawala.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |