![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ibayong pag-iingat para sa APEC, tiniyak; Pulisya, nasa highest alert
HANDA ang pamahalaan ng Pilipinas na matiyak ang seguridad ng mga panauhing nasa bansa para sa APEC 2015. Ito ang pahayag ng pamahalaan matapos ang serye ng mga pamamaril sa mga mamamayan sa Paris kaninang umaga, oras sa Maynila. Nabalitang higit na sa 100 ang nasawi at 'di pa mabatid ang sugatan sa sabay-sabay na pagsalakay.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr. na ipinangako at ginagamit na ng Department of National Defense ang lahat ng kagamitan nito upang matiyak ang seguridad ng mga okasyong may kinalaman sa APEC.
Napag-aralan na nila ang mga ganitong pagkakataon at naisama na ang mga paraang magagamit upang maiwasan ang anumang kaguluhan.
Ipinangako at ibinalita naman ng Philippine National Police na nag-utos na si PNP Director General Ricardo C. Marquez na isailalim ang lahat ng mga tauhan sa full alert status, ang pinakamataas sa pamantayang ng kanilang tanggapan.
Lahat ng mahahalagang instalasyon ang babantayan at paiigtingin ang seguridad sa mga mahahalagang pook na ito.
Sa pahayag ni Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, tuloy ang paghahanda at pagtataas ng security awareness bago sumapit ang araw ng mga pagtitipon ng iba't ibang pinuno ng kasaping kabilang sa APEC.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |