|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
|
fil/PTNT/20151116.m4a
|
Eventually napangasawa ni Tao si Jingsheng at nang magka-anak tinawag niya ang bata na "Dollar." Pangalan pa lang alam na natin materyoso si Jingsheng.
Muling nagtagpo ang landas nina Tao, Jingsheng at Liang sa taong 2014. Divorced na rin si Tao, at nang mamatay ang tatay nito at dumating si Dollar. Malaki na si Dollar (Dong Zijian) pero problemado at walang pagpapahalaga sa kanyang pamilya. Alienated at walang roots ang binata. Medyo culturally confused dahil lumaki sa abroad.
Ang pelikula ay sumalamin sa iba't ibang pag-iisip ng mga Tsino. Una noong Dekada 90 --- marami ang naghahangad na pumunta sa mga kanluraning bansa para matamasa ang mas marangyang pamumuhay. Ikalawa, nakita rin dito ang isang pamilya na nagbago ang values matapos manirahan sa ibang bansa. Partikular sa kaso ni Dollar at ng kanyang ama.
Pinaka notable din ang pagbabago ng karakter ni Tao – mula sa isang masayahin at optimistikong dalaga, sa kanyang pagtanda nakita ang mga sugat na dulot ng kanyang mga karanasan sa buhay.
Alamin ang iba pang detalye ng Mountains May Depart mula sa mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah ng programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.




| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |