|
||||||||
|
||
Ayon sa Philippine Statistics Authority, lumago ang kabayaran sa imports ng may 6.7% at natamo ang halagang US$ 6.2 bilyon noong Setyembre mula sa US$5.8 bilyon noong Setyembre ng 2014. Ito ang ika-apat na sunod na buwan mula noong Hunyo na kinatagpuan ng paglago ng imports ng bansa.
Ayon kay Kalihim Arsenio M. Balisacan, ang magandang pangyayari sa business sector at pag-unlad ng consumer expectations sa susunod na huling tatlong buwan ang magpapataas ng imports sa manufacturing at construction sectors. Ang paglakas ng salapi ng bansa dahil sa mababang inflation ang magpapalakas sa consumer demand dahilan na rin sa kinaugaling pagasta sa darating na Kapaskuhan.
Naitala ang kaunlaran ng may 40.7% noong Setyembre na pinakamataas ngayong taon, dagdag pa ni G. Balisacan.
Ang capital goods ay tumaas ng US$2.0 bilyon mula sa US$1.4 bilyon noong nakalipas na taon. Ang raw materials at intermediate goods ay tumaas din ng 20.1% noong Setyembre kaya umabot sa US$2.7 bilyon na mas mataas sa US$2.2 bilyon noong Setyembre ng 2014.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |