|
||||||||
|
||
melo
|
DUMATING na si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Roma kagabi (kaninang umaga oras sa Pilipinas) para sa kanyang opisyal na pagdalaw sa Italya. Layunin ng pagdalaw na ito na mapalakas ang relasyon ng dalawang bansa.
PANGULONG AQUINO, DUMATING NA SA ROMA. Sinalubong ni Philippine Ambassador Domingo Nolasco si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kenyan pagdating sa Fiumicino International Airport sa Roma kagabi (kaninang umaga oras sa Pilipinas). Magtatagal siya sa Italya hanggang sa Biyernes. (PCOO Photo)
NAKATACDANG MAKAUSAP NI PANGULONG AQUINO SI POPE FRANCIS BAGO BUMALIK SA PILIPINAS. Makikitang sinalubong ni Philippine Ambassador Mercedes Arrastria Tuason si Pangulong Aquino sa pagdating sa Roma kagabi. (PCOO Photo)
Lalagda sa isang kasunduan si Pangulong Aquino at Italian president Sergio Mattarrella upang magkaroon ng direct flights sa pagitan ng Roma at Maynila. Umaasa ang Pilipinas na madaragdagan ang mga turistang magmumula sa Italya at madadali ang pagdadala ng mga produktong mula sa Pilipinas.
Sa kanyang huling araw na pagdalaw sa Italya, makakausap niya si Pope Francis sa Vatican City. Pag-uusapan nila ang rehabilitation efforts sa mga pook na sinalanta ni "Yolanda". Magugunitang dumalaw si Pope Francis sa Tacloban City (at Palo, Leyte) noong Enero. Paksa rin nila ang climate change.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |