|
||||||||
|
||
sw20151201tracy.mp3
|
Ngayong gabi, isang babae singer ng Taiwan ang pag-uusapan natin. Siya ay si Tracy Huang. Si Tracy ay naging kilala mula noong 1970's. At siya ay hindi lamang mahusay sa mga kanta sa Wikang Tsino, kundi sa Ingles din. Bukod sa Taiwan, ang kanyang mga album ay ipinalalabas din at nagtamo ng tagumpay sa Singapore, Malaysia, at Brunei.
Si Tracy Huang ay isa sa iilang English song singer ng Taiwan. Mula noong 1960's hanggang 1973, kumanta si Tracy sa club ng Base ng Tropang Amerikano sa Taiwan. Sa panahong iyan, nahasa ang kanyang talent sa pagkanta ng mga awit sa Wikang Ingles. Kinanta niya ang mga pinakapopular English song, gaya ng "Casablanca," "My Way,"
Sa club, natuklasan ni Liu Jiachang, isang matagumpay na musician at director ng Taiwan ang talent ni Tracy. At noong 1974, sa ilalim ng tulong ni Liu, inilabas ni Tracy ang kanyang kauna-unahang album na pinamagatang "Yun He," na nangangahulugang "River of Cloud." At ang carrier single ay may parehong pangalan ng album. Ang melody at lyrics ay nilikha ni Liu.
Noong 1976, pagkaraang ipalabas ang dalawang album sa Taiwan, inilipat ni Tracy ang kanyang singing career mula sa Taiwan patungo sa Singapore. Lumagda siya ng contract sa EMI. Mula rito, ipinalabas niya ang isang album, "Tracy Huang Luyi." Sa Singapore, binago rin ni Tracy ang kanyang Chinese name: dati, ang kanyang pangalan ay "Huang Yingying," sa Singapore, ginamit niya ang "Huang Luyi." Dahil naniwala siyang magdudulot ito ng buwenas sa kanya. Sa Singapore, naglabas siya ng album sa wikang Ingles. Isa sa mga pinakakilalang kanta rito ay "I Don't Want To Talk About It."
Noong 1974, nagpakasal si Tracy kay Roger Gun a taga-Singapore. Pagkaraan nito, tumira siya sa Singapore, at hanggang ngayon, nakatira pa rin siya sa Singapore. Pero, laging may kooperasyon siya sa mga music producer ng Hong Kong, Taiwan at Macao, at patuloy rin siyang gumagawa ng kanta sa Wikang Tsino. Ang pinakakilalang awit niya sa Wikang Tsino ay "Zang Xin," theme song ng isang pelikulang "Center Stage." Ang theme song na kinanta ni Tracy ay nagtamo ng Ika-12 Hong Kong Film Awards Best Movie Theme Song. Ang kuwento ay hinggil sa tragic na buhay ni Ruan Lingyu, isang movie star ng Tsina noong 1930's. Kaya, ang melody ay muling nagpapakita ng estilo ng musika noong 1930's.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |