Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Vicky Zhao: Pambihirang "Foodie"

(GMT+08:00) 2015-12-10 16:41:43       CRI

 

Ang Lanzhou ang capital city ng Gansu Province, sa northwest China. Ang Yellow River, ang Mother River ng China, na tulad ng Pasig River ay dumaraan mismo sa gitna ng siyudad. Kaya naman, makikita rito ang mga prutas, gulay, at pagkaing sariwa. Noong sinaunang panahon, isa itong key point ng ancient Silk Road. Ngayon, isa na itong hub ng Silk Road Tourism Ring, dahil matatagpuan dito ang mga lugar na tulad ng Maiji Caves, Bingling Temple Grottoes, Labrang Monastery at Dunhuang Mogao Caves.

Tulad ng nasabi natin noong nakaraang episode, nakapunta po tayo kamakailan sa Lanzhou City, at doon, marami tayong nakitang kakaiba at talaga namang nakaka-wow na mga bagay at lugar! Sa ating episode ngayong gabi, isa sa mga kamangha-manghang bagay at tao sa Lanzhou an gating ibabahagi sa inyo.

Kilala ang Lanzhou sa maraming bagay, ilan dito ang beef noodles o niu rou mian, produktong galing sa rosas, masasarap na putahe ng beef, at marami pang iba. Ang Gansu province din po ay predominantly Muslim area. At tulad ng nabanggit natin kanina, dahil ang Lanzhou ay bahagi ng ancient silk road, maraming impluwensya ang naririto. Makikita rito ang western, middle-eastern, eastern culture at mara pang iba. Melting pot din ito ng maraming relihiyon tulad ng Islam, Budismo, Taoismo, at sa maniwala po kayo o hindi, Kristiyanismo.

Sa atin pong pagpunta at pasi-share ng WOTBAG-Balintawak Filipino Martial Arts sa Maker Fit Gym, nakilala po natin si Vicky at ang kanyang asawang si Francis. Noong una ay nag-share sila ng kanilang knowledge sa pagluluto, dahil ayon sa kanila, sila ay foodie at bukod sa exercise, passion nila ito, at syempre pagkain ng masasarap na putahe. Noong iabot ni Vicky ang niluto nya sa akin, akala ko, Chinese food ito, pero, laking gulat ko, nilasing na hipon ang niluto nya. Sinabi ko sa kanya na kaulad na katulad ng lasang Pinoy ang niluto nya. Dito, po sa China, pambihirang-pambihira po kayong makakakita ng ganitong putahe. At dahil, matagal ko nang hindi natitikman ang ganitong putahe, wala pang isang minuto, ubos na lahat ang tsibog. Hrehehe… Doon po nag-umpisa ang kuwentuhan namin ni Vicky.

Si Vicky sa pintuan ng simbahan sa lanzhou

rhio at vicky

      vicky at francis

 tatoo ng pangalan ng anak ni vicky

 rhio at ang parish priest ng lanzhou

1 2
May Kinalamang Babasahin
rhio
v Maker Fit: di lang pang-ensayo, pampamilya pa 2015-12-03 14:44:33
v Wing Chun Kid 2015-11-20 16:44:58
v Pilipinas, lumahok sa Ika-7 International Culture Festival 2015-11-12 15:34:37
v Kahabaan ng Silk Road: Malikhaing Indiyano 2015-11-05 13:31:40
v Rent a GF/BF 2015-10-30 14:54:16
v 8 Palace Handicrafts ng Beijing 2015-10-15 14:05:59
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>