|
||||||||
|
||
http://mod.cri.cn/fil/podcast/sw20160105.m4a
|
Kamakailan ay idinaos sa Beijing ang 2015 China-ASEAN Friendship Concert. Lumahok at nagtanghal dito ang mga mang-aawit mula sa 10 bansang ASEAN at Tsina. Mula sa episode ngayon gabi, ibabahagi natin ang mga pagtatanghal sa concert na ito. Bukod sa amin, isasahimpapawid at itatanghal din sa People's Television Network (PTV) at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ng Pilipinas (NCCA) mga performance sa concert na ito.
Ang 2015 China-ASEAN Friendship Concert ay may temang "Our Region, Our Song," at layon nitong ipakita ang makukulay na kultura ng musika ng Tsina at mga bansang ASEAN, at palakasin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa. Kalahok sa konsiyerto ang 10 mang-aawit mula sa mga bansang ASEAN at 10 mang-aawit mula sa Tsina. Kinanta nila ang kani-kanilang mga katutubong awit. Ang 17 taong gulang na si Aldrich Lloyd Talonding ang representative naman ng Pilipinas at inawit niya ang "Anak" ni Freddie Aguilar.
Nagsimula ang bong concert sa isang opening show, kung saan umakyat sa stage ang mga mang-aawit at magkakasamang kumanta ng theme song na "True Friendship Lasts Forever." Pakinggan natin.
"Ture Friendship Lasts Forever"
Bilang unang presentation, inawit ni Sri Nazrina mula sa Brunei ang "Anak Durhaka."
"Anak Durhaka"
Pagkatapos nito, isang mang-aaawit na Tsino ang sumunod. Pakinggan natin si Wang Li sa kanyang pag-awit ng "The Chinese Characters."
"The Chinese Characters"
Ok! Ngayon, narito naman si Ma Chanpanha ng Cambodia at ang "Autumn."
"Autumn"
Sana na-enjoy ninyo ang awitin mula sa Cambodia. Susunod, muli tayong babalik sa China. Narito ang "The Old Springtime" mula kay Bei Bei.
"The Old Springtime"
Sa puntong ito, kailangan na po nating pansamantalang magpaalam. Sa susunod na linggo, itutuloy po natin ang pagpaparinig sa inyo ng mga awit mula sa 2015 China-ASEAN Friendship Concert.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |