|
||||||||
|
||
Senate President Drilon, nanawagan sa Comelec
NANAWAGAN si Senate President Franklin M. Drilon sa Commission on Elections (COMELEC) na huwag munang ituloy ang paglilimbag ng mga balota hanggang hindi natatapos ang disqualification cases sa Korte Suprema.
Niliwanag din ni Senador Drilon na vice chairman ng Liberal Party na wala itong pakahulugang anuman sa kwalipikasyon ni Senador Grace Poe na nahaharap sa usapin hinggil sa citizenship at residency.
Kasama sa presidential aspirants sina dating Interior Secretary Manuel Araneta Roxas II at Senador Grace Poe.
Sinabi din ni Senador Drilon na hinihiling niyang ipagpaliban muna ang paglilimbag ng balota na nakatakda sa unang araw ng Pebrero. Unang ginawa na ni G. Drilon ang kahilingang ito noong nakalipas na Disyembre.
Mas makabubuti umanong hintayin ang desisyon ng Korte Suprema, dagdag pa ng mambabatas.
Baka umano lumabas na kawalang-galang ang gagawing paglilimbag ng walang desisyon ang Korte Suprema.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |