Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pintor ng Silk Road

(GMT+08:00) 2016-01-21 18:14:43       CRI

 

Ang Uygur Autonomous Region of Xinjiang, Tsina ay rehiyong sumasakop sa northwestern corner ng bansa.

Ito ang pinakamalaking political unit ng Tsina at Ürümqi (Wulumuqi) ang kabisera nito.

Ang pangalang Xinjiang ay nangangahulugang ("New Borders"), at ito ay naging bahagi ng Tsina sa ilalim ng Qing Dynasty noong 18th century.

Ang Xinjiang ay lugar kung saan makikita ang mga rugged mountains at malawak na desert basins.

Ang mga indigenous population nito na mga agriculturalists at pastoralists (principally Uighurs) ay naninirahan sa mga oases na matatagpuan sa gilid ng mga bundok o gumagala sa mga kapatagan upang humanap ng mapapastulan.

Mula noong 1949 hanggang ngayon, malaking pagsisikap ang ginagawa ng Tsina para ma-integrate ang regional economy ng Xinjiang sa buong bansa.

Bukod pa riyan, polisiya rin ng Chinese government na hayaang umunlad ang mga ethnic groups at panatilihin ang kanilang sariling cultural identities.

Bilang resulta, mabilis na umuunlad ang Xinjiang. Marami ang naitatayong mga bagong gusali, nagbabago ang uri ng pamumuhay ng mga tao, at marami ang na-i-a-angat mula sa kahirapan. SOURCE: http://www.britannica.com/place/Xinjiang

Noong September 2013, pormal na inanunsiyo ni President Xi Jinping ng Tsina ang patatatag ng Silk Road Economic Belt: kasunod nito, ang Maritime Silk Road noong February 2014.

Ang dalawang ito ay tinatawag na "Belt and Road initiative."

Ang inisyatibang ito ay naglalayong buksan ang napakalaking trade potential at palakasin ang economic development ng mga bansang nasa kahabaan ng tinatawag na belt—land route silk road na nagmumula sa western China at tumatawid sa Central Asia hanggang sa Middle East—at mga bansang nasa kahabaan ng tinatawag na road: maritime route na pumapalibot sa Southeast Asia, Persian Gulf, at Horn of Africa.

Ang Uygur Autonomous Region of Xinjiang ay isang importanteng bahagi ng Silk Road Economic Belt at ancient Silk Road. Pero, dahil na rin sa napakabilis na pagbabago ng pamumuhay at pag-unlad, ang traditional style ng pamumuhay ay unti-unting namamatay. Para sa ating episode ngayong gabi, tutunghayan natin ang kuwento ng isang Amerikanong artist na si Joy Bostwick na tatlong taon nang namumuhay at naninirahan sa Xinjiang Uygur Autonomous Region.

Tingnan natin ang kanyang mahigit 40 paintings na nagpapakita ng kaakit-akit na kapaligiran at katangi-tanging kultura ng Xinjiang. Sinusubukang idokumento ni Joy ang mga kagandahang ito sa pamamagitan ng kanyang pagpipinta bago mawala at mapalitan ng mga bagong gusali ang mga ito. Narito si Joy Bostwick at ang kanyang kuwento sa Uygur Autonomous Region of Xinjiang.

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Konsiyerto, ASEAN style (Part II) 2016-01-14 17:37:34
v Konsiyerto, ASEAN style 2016-01-07 14:35:46
v Maker Fit: di lang pang-ensayo, pampamilya pa 2015-12-03 14:44:33
v Wing Chun Kid 2015-11-20 16:44:58
v Pilipinas, lumahok sa Ika-7 International Culture Festival 2015-11-12 15:34:37
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>