Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Embahada ng Tsina sa Maynila, nagdiwang ng Chinese New Year

(GMT+08:00) 2016-02-03 18:21:07       CRI

NAGPASALAMAT si Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa mga Filipino sa pagdiriwang ng Chinese New Year kagabi sa Makati Shangri-La Hotel.

Binati niya ang mga Filipino sa pangunguna ni Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario, mga bumubuo ng diplomatic corps na kinabilangan ni US Ambassador Philip Goldberg, mga kasapi ng Filipino-Chinese community na pinamunuan ng negosyanteng si Lucio Tan, at iba pang mga panauhin.

PILIPINAS AT TSINA, MATAGAL NANG MAGKAIBIGAN.  Ito ang sinabi ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Makati Shangri-La Hotel kagabi.  Na sa gaming kaliwa si Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario na dumalo sa pagtitipon.  (Melo M. Acuna) 

Sa pagsisimula ng "Year of the Monkey", ipinaliwanag ni Ambassador Zhao na simbolo ito ng kasiglahan, talino at kakayahang makagalaw ng mabilis. Sa oras na gamitin ang talino at kakayahang kumilos ng mabilis, magiging masigla ang Chinese New Year, dagdag pa ni G. Zhao.

Ito rin umano ang simbolo ng relasyon ng Tsina at Pilipinas sa likod ng mga hamon at kahirapan, nanatiling matatag at patuloy na gumaganda ang taong 2015.

Ipinagdiwang ang ika-40 anibersaryo ng diplomatic relations sa pagkakaroon ng pagpapalitan ng mga grupong nagpapayabong ng kultura at sining.

Mahalaga rin ang paglahok ni Pangulong Xi Jinping sa katatapos na APEC na matagumpay na pinangasiwaan ng Pilipinas. Isa ang Tsina sa nangungunang kabalikat sa kalakal ng Pilipinas sapagkat ang kalakalan sa unang 11 buwan ng 2015 ay umabot sa US$ 41.46 bilyon at lumago pa ng 2.3%. Higit sa 400,000 mga Tsino ang dumalaw sa Pilipinas noong nakalipas na taon.

MATATAG ANG RELATION NG TSINA AT PILIPINAS.  Sinabi ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na magagandang pangyayari ang naganap sa pagdiriwang ng ika-40 taong anibersaryo ng pagklakatatag ng relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Tsina sa pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping noong idaos ang APEC na pinangasiwaan ng Pilipinas at ang paglahok ng Pilipinas bilang founding member ng Asian Infrastructure Investment Bank.  (Melo M. Acuna)

Tulad umano ng sinabi ng pantas na si Confucius, sa edad na 40, hindi na nararapat maguluhan ang isang tao. Hindi na rin dapat maging masigalot ang relasyon ng Tsina at Pilipinas sa mga pansamantalang mga suliranin.

Malapit umanong magkakapit-bansa at 'di makalalayo sa bawat isa. Lalo pa't magkakabalikat at higit na makikinabang kung magaganap ang sinasabing "win-win cooperation." Magkaibigan ang Pilipinas at Tsina ng higit sa isang libong taon. Bagama't may mga pagkakaiba at 'di pagkakasundo, nangangako ang Tsina sa mapayapang paglutas ng mga ito sa pamamagitan ng pag-uusap at negosasyon.

Ikinagagalak din ng Tsina ang paglahok ng Pilipinas bilang "founding member" ng Asian Infrastructure Investment Bank lalo pa't naglalaan ito ng ibayong oportunidad sa larangan ng mga pagawaing-bayan na higit na magpapasigla sa kasalukuyan at sa mga susunod na relasyon ng dalawang bansa.

Ang bagong taon ay bagong simula at umaasa si Ambassador Zhao na sa pagtutulungan, higit na uunlad ang magkabilang panig at magkakaroon ng pinag-ibayong pagtutulungan.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>