|
||||||||
|
||
Higit sa kalahating milyong turista, dumalaw sa Pilipinas noong Enero
MGA Koreano ang nangunang bilang ng mga turistang dumalaw sa Pilipinas noong Enero. Ayon sa Department of Tourism, umabot sa 542,258 na turista ang dumalaw sa Pilipinas na kinatagpuan ng dagdag ng 13.17% sa tourist arrivals noong Enero ng 2015.
Kauna-unahang pagkakataong humigit sa kalahating milyon ang turistang dumating sa Pilipinas sa loob ng isang buwan.
Ayon kay Tourism Secretary Ramon Jimenez, ang ginastos ng mga turista ay umabot sa P21.94 bilyon. Sa nakalipas na taon, ang tourism employment ay umabot sa 4.99 milyon samantalang ito ay 12.7% ng buong employment na kinakitaan ng kaunlarang 4.8% mula noong 2014.
Mga Koreano ang nangunang dumalaw sa Pilipinas sa pagkakaroon ng 147,165 na turista at 27.14% ng buong bilang ng mga dumating sa bansa. Pangalawa ang Estados Unidos na nagkaroon ng 84,506 o 15.58% at pangatlo ang mga Tsino na may 48,708 na turista o 8.98%. Nagkaroon ng 41,691 na Japones na dumalaw sa Pilipinas at naging bahagi ang may 7.69%. Mayroong 25,274 o 4.66% na turistang nagmula sa Australia.
Naungusan ng Tsina ang Japan sa tourist arrivals sapagkat lumago ang mga turistang mula sa Tsina ng may 130.15% kung ihahambing sa buwan ng Enero ng 2015.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |