|
||||||||
|
||
Melo 20160323
|
Nagaganap sa Belgium, binabantayan ng Embahada ng Pilipinas
BINABANTAYAN ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Belgium ang naganap sa Brussels matapos yanigin ng mga pagsabog ang paliparan at himpilan ng tren kahapon. Magugunitang higit na sa 30 katao ang nasawi samantalang daan-daang iba pa ang sugatan.
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, inaalam na ng Embahada ng Pilipinas sa Brussels na pinamumunuan ni Ambassador Victoria Bataclan and iba pang detalyes ng insidente at na maging masinop sa kanilang paglalakbay.
Pinayuhan na rin ni Ambassador Bataclan ang mga Filipino sa Brussels na huwag na munang lumabas ng tahanan o tanggapan kung hindi naman mahalaga ang kanilang pakay.
Sarado ang paliparan at maghahahanap na ng ibang paliparang madadaanan.
Mag makabubuting makipag-alam sa mga tauhan ng Embada at Konsulado. Matatawagan ang mga tauhan ng Embahada sa pamamagitan ng telepono sa bilang na (+32) 0488 609177, sa bilang na (+32) 02 340 - 3373 at (+32) 02 340 – 3374).
Sinabi ni Philippine Ambassador to Belgium Victoria Bataclan na wala pang kinikilalang mga Filipinong nasawi o nasugatan sa mga pagsabog kahapon sa Brussels.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |