Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chongqing Hotpot

(GMT+08:00) 2016-04-07 16:08:36       CRI

Ang Chongqing Hotpot ang opening film sa 40th Hong Kong International Film Festival. Ang Chongqing Hotpot ay pelikula ni Yang Qing. 2009 lumabas ang huli niyang pelikula kaya talagang excited ang movie fans. Ang kwento ay tungkol sa tatlong magkakaibigan na nagmamay-ari ng Old Friends Hot Pot restaurant. Sina Liu Bo (Chen Kun), Xu Dong (Qin Hao) and Four Eyes (Yu Entai) ay magkakabarkada mula middle school at ngayon malaki ang problema ng tatlo dahil luging lugi ang kanilang negosyo.

Si Liu ay may elderly grandfather na inaalagaan at may gambling problem din siya kaya mainit sa kanya ang local gangster na si Brother Seven. Si Four Eyes naman ay may planong magrelocate sa Beijing at si Xu ay problemado sa kanyang wife. On top that ang inaasahan nilang way out --- yung sale ng kanilang resto ay nagbunga pa ng mas matinding problema. Kasi sa kalagitnaan ng kanilang renovation, accidentally nabutas ng trio ang vault ng bangko sa tabi ng kanilang resto. Dito na nagsimula kabaliwan ng heist film na Chongqing Hotpot. Isa sa mga dahilan kung bakit inaabangan ang pelikula ay dahil sa cast nito. Sikat sa mainland ang mga artistang sina Chen Kun, Qin Hao, Bai Baihe at Yu Entai. Alamin ang detalye ng Chongqing Hotpot mula sa movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.

 

May Kinalamang Babasahin
mac
v Mojin: The Lost Legend 2016-03-30 10:31:56
v Crouching Tiger, Hidden Dragon : Sword of Destiny 2016-03-23 16:23:51
v The Mermaid 2016-02-29 20:38:19
v Les Aventures d' Anthony 2016-02-06 17:04:40
v Saving Mr. Wu 2016-01-22 10:42:52
v Our Times 2015-12-15 22:32:12
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>