Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paghihiwalay ng Pilipinas ng Nansha Islands sa arbitration case, taliwas sa UNCLOS

(GMT+08:00) 2016-05-24 18:39:00       CRI

Nagpalabas kamakailan ng artikulo si Lu Yang, ekspertong Tsino sa pandaigdig na batas, na nagsasabing sa halip ng paglutas, kasama ng Tsina, sa hidwaan sa teritoryo, ang tunay na layunin ng Pilipinas para sa pagharap ng arbitrasyon sa Permanent Court of Arbitration sa Hague ay pagkakaila sa soberanya sa teritoryo ng Tsina, at mga karapatan at kapakanan nito sa South China Sea. Para rito aniya, gumawa ang Pilipinas ng panlalansi na hindi itinuturing na isang kabuuan ang Nansha Islands sa South China Sea, at humingi lamang sa arbitral court na gawin ang hatol sa ilang isla at reef na di-umanong "sinasakop o kinokontrol" ng Tsina.

Sinabi ni Lu, na batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), pagdating sa karapatan ng Tsina sa Nansha Islands, dapat isaalang-alang ang kabuuan ng mga isla at reef doon. Sa pahayag namang iniharap noong April 14, 2011, sa Pangkalahatang Kalihim ng UN, tinukoy din ng misyon ng Tsina sa UN, na batay sa mga regulasyon ng UNCLOS at batas na pandagat ng Tsina, nagkakaroon ang Tsina ng mga karapatan sa territorial waters, exclusive economic zone at continental shelf sa Nansha Islands.

Pero, sa arbitration case, pinaghiwalay ng Pilipinas ang mga isla at reef sa Nansha Islands, at hiniling nitong gawin ang hatol nang isa't isa hinggil sa legal status ng mga islang pinili nito. Samantala, sinasadyang hindi binabanggit ng Pilipinas ang mga isla at reef na sinasakop nito. Ani Lu, ito ay para pagtakpan ang ilegal na pagsakop ng Pilipinas sa Nansha Islands.

Sinabi rin ni Lu, na sa pamamagitan ng paghihiwalay ng mga isla at reef sa Nansha Islands, nagtatangka ang Pilipinas na iwasan sa arbitration case ang mga hidwaan sa soberanya sa teritoryo at demarkasyon sa dagat. Aniya, ang paglutas sa hidwaan sa soberanya sa teritoryo ay hindi kabilang sa saklaw ng UNCLOS, at hindi rin nagagamit para rito ang pandaigdig na arbitrasyon o ibang sapilitang prosidyur. Noong 2006 naman, batay sa UNCLOS, idineklara rin ng Tsina ang hindi pagtanggap sa sapilitang arbitrasyon para sa paglutas sa hidwaan sa demarkasyon sa dagat. Kaya ani Lu, walang hurisdiksyon ang arbitral court sa arbitration case na iniharap ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Lu, batay sa Article 9 ng UNCLOS Annex VII, kung walang paglahok sa arbitration case ng isa sa dalawang nagsasagupaang panig, bago gawin ang hatol, dapat linawin ng arbitral court kung mayroon itong hurisdiksyon sa kaso, at kung may batayan ang kaso sa aspekto ng katotohanan at batas. Aniya, kung talagang igalang ng arbitral court ang kabuuan ng Nansha Islands, batay sa katotohanan at batas, dapat tanggihan nito ang arbitrasyon ng Pilipinas. Pero, hindi ito naganap.

Bilang panapos, sinabi ni Lu na ang paghihiwalay ng Pilipinas ng Nansha Islands at pagkatig dito ng arbitral court ay nagpapakitang ang South China Sea arbitration ay walang katarungan. Kaya ito ay hindi makakaapekto sa lehitimong karapatan ng Tsina sa South China Sea.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>