|
||||||||
|
||
Smartmatic, nararapat magpaliwanag
SINABI ng kampo ni Senador Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. na kailangang magpaliwanag ang Smartmatic hinggil sa mataas na bilang ng "undervotes" at mga 'di pagkakatugma sa electronically-transmitted Certificates of Canvass sa ilang mga lalawigan.
Sa isang pahayag, sinabi ng grupo na sa pagtatapos ng ikalawang araw ng official canvass, ang lead counsel ni Senador Marcos na si Atty. George Garcia ay nagpaliwanag na sa mga lalawigan ng Nueva Ecija at Ilocos Sur, ang provincial Canvassing and Consolidation System (CCS) ang nagpadala ng Certificates of Canvass samantalang kulang ang transmission ng kinalabasan ng halalan sa iba't ibang bayan.
Ayon kay Atty. Garcia, nararapat ipaliwanag ang paraan ng transmission ng COCs sa Comelec samantalang sinasabi ng program na dapat ay mayroong 100% transmission sa lahat ng bayan sa lalawigan.
Sa kaso ng dalawang lalawigan, hindi nabatid ng Provincial Board of Canvassers na hindi pa kumpleto ang transmission ng sabihan sila sa Comelec na kulang pa ang datos kaya't kinailangang magkaroon ng recomputation.
Nabatid nila na ang election results sa isang bayan ay 'di pa nakasama sa unang provincial COC na naipadala sa Commission on Elections. Ipinagtatanong ni Atty. Garcia kung paano ito naganap samantalang tiniyak ng Smartmatic na maasahan ang kanilang mga makina.
Obligasyon umano ng Smartmatic sa mga mamamayan ang magpaliwanag. Sila ang nag-supply ng mga makina at sila ang tumiyak na magiging maayos ang lahat. Idinagdag pa ni Atty. Garcia na hanggang hindi nagpapaliwanag ang Smartmatic, laging magkakaroon ng pagdududa ang mga mamamayan. May posibilidad rin umano ng double o no transmission.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |