Yoga
Mga kaibigan, kapag sinabing Yoga, ano ang unang pumapasok sa isip nyo? Sa ating lipunan ngayon, marami sa atin ang may persepsyon na ang Yoga ay isang uri ng ehersisyo at maganda ang naidudulot nito sa ating katawan. Sa isang banda, totoo ito. Pero, ang Yoga ay may mas malalim pang kahulugan kaysa sa alam natin.
Sa totoo lang may 6 na uri ng pundamental na Yoga: at ang Yoga na palagi nating nakikita sa mga gym, telebisyon at mga parke ay ang Hatha Yoga – Ito ang uri ng Yoga na ideyal para sa mga nagsisimula. Ito ang Yoga na may mga postures (asana), at may breathing techniques (pranayama). Ito ay para madebelop ang inyong flexibility, balanse at epektibong paghinga sa bawat posture. Kaya naman, ito ay nakakarelaks at nagdudulot ng magandang pangangatawan. Ayon sa isang pag-aaral na isinapubliko ng Journal of Nursing Research, 90 minuto ng Hatha Yoga ay nakakapagpababa ng stress sa mga kababaihan.