|
||||||||
|
||
Pagbabalik-aralan pa ang telecommunications deal
NILIWANAG ng Philippine Competitive Council na lumiham sila sa Globe at PLDT ngayon upang sabihan silang magsasagawa ng malawanang pagbabalik-aral sa kanilang pagbili ng telecommunications business ng San Miguel Corporation. Magkakaroon ng pagsang-ayon o 'di pagsang-ayon matapos ang pagsusuri.
Ayon sa PCC, tinitingnan nila ang mga bagong dokumentong isinumite ng dalawang grupo at ayon sa datos at impormasyon at mga lumabas na pahayag,naniniwala silang may basehan na magsagawa ng pagbabalik0aral ayon sa poder na iginawag sa Philippine Competition Commission ng Philippine Competition Act.
Sa Memoranda Circulars 16-001 at 16-002, kinikilalang transitory provisions at hindi nagpapalabnaw sa poder ng PCC na gumawa ng pagbabalik-aral sa ilalim ng PCA, lalo na kung nakataya ang interes ng bansa at kabutihan ng madla.
Aalamin nila ang relevant market kung magkakaroon ng pagbabago sa pamahalaan at ang potential impact ng transaksyon sa balana.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |