Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Earthquake drill, matagumpay

(GMT+08:00) 2016-06-22 18:29:36       CRI

TUMIGIL ang mga pagamutan, hotel, paaralan at iba't ibang mga tanggapan sa kanilang karaniwang ginagawa upang lumahok sa pambansang earthquake drill – isang pagsasanay kung ano ang magagawa sa oras na yumanig ang lupa sa Metro Manila.

MGA MANGGAGAWA, NAKIISA RIN.  Libu-libong construction workers sa paligid ng Metro Manila ang tumigil sa kanilang trabaho pagsapit ng ika-siyam ng umaga sa idinaos na earthquake drill.  Paghahanda ito ng mga Filipino sa posibleng malakas na lindol na madarama sa Metro Manila at mga kalapit-pook.  (Melo M. Acuna)

Ginawa ang national command post at ceremonial venue sa Campo Aguinaldo. Pagsapit ng ikasiyam ng umaga, umalingawngaw ang mga sirena upang maging senyal sa pagyanig ng lupa sa lakas na 7.2 magnitude.

MGA MAG-AARAL, MGA YAYA, LUMAHOK SA EARTHQUAKE DRILL.  Lumabas ang mga mag-aaral ang sa kanilang mga silid-aralan samantalang sumama rin ang kanilang mga yaya sa apgdaraos na pambansang earthquake drill.  Sinasabi ng mga siyentipiko sa Pilipinas na maaaring gumalaw na ang Manila Fault Line at magdulot ng malakas na lindol.  (Melo M. Acuna)

Lumabas ang mga mag-aaral sa kanilang mga silid at gusali, iniwanan ang kanilang mga aklat samantalang ang mga nasa pagamutan ay sumunod sa mga nararapat gawin upang makaligtas sa napipintong trahedya. Bumaba sa kanilang mga gusali ang mga construction worker.

MAG-AARAL, MAHALAGANG MATUTO NG SAFETY TIPS.  Ito ang sinabi ni Phivolcs Director Dr. Renato Solidum sa pagbuo ng pambansang earthquake drill kaninang ika-siyam ng umaga.  Kahit ang local government units, kongreso at senado at iba pang tanggapan ng pamahalaan ang lumahok sa pagsasanay.  (Melo M. Acuna)

Ayon kay Dr. Renato Solidum sa panayam ng mga mamamahayag sa Campo Aguinaldo, mahalagang masanay ang mga mamamayan kung ano ang gagawin sa pinaka sentro ng poder, ang Metro Manila.

Kung magkakaroon ng malaking pinsala sa Metro Manila, tiyak na apektado ang buong bansa, dagdag pa ni Dr. Solidum.

Nagpasalamat din sa mga lumahok si National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director Alendander Pama.

Ang anumang paggalaw ng West Valley Fault ang makapaglalabas ng napakalakas na lindol sa buong Metro Manila at mga kalapit pook. Sa pagsusuri ng mga dalubhasa, ang lindol na may magnitude na 7.2. Ayon sa datos kung masusuring mabuti, ang isang malakas na lindol ay posibleng maganap sa susunod na 50 taon.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>