|
||||||||
|
||
Paggalaw sa pananalapi, madarama sa naganap sa United Kingdom
MAGKAKAROON ng mga paggalaw sa halaga ng salapi sa bansa bilang epekto ng desisyon ng mga Ingles na umalis na sa European Union. Magugunitang nagwagi ang panig ng mga Ingles na umalis na sa EU sa botong 51.89 laban sa 48.11 na naniniwalang mas makabubuti sa kanila ang pananatili sa malaking ekonomiya.
Makaka-asa umano ng volatility sa pamilihang lokal sa madaling panahon. Kahit maliit lamang ang direct Philippine exposure sa United Kingdom, madarama ang magiging epekto sa mga paggalaw sa US dollar.
Idinagdag ni Governor Tetangco na medium term, makikita ang mga magaganap, partikular sa magiging reaksyon ng European Uniion sa pag-alis ng United Kingdom.
Handa naman ang Bangko Sentral ng Pilipinas na maglaan ng salaping kailangan sa pamilihan ng bansa. Wala naman umanong pangangailangang baguhin ang monetary policy ngayon.
Magugunitang kahapon ay pinanatili ng Monetary Board ang interest rates sapagkat nananatiling maayos ang inflation environment kahit ibinaba pa nito ang inflation forecast para sa 2016 sa 2% mula sa 2.1% dahilan sa mas mabagal na pagtataas ng sahod sa kalagitnaan ng taon.
Ayon kay dating Philippine Chamber of Commerce and Industry President Ambassador Francis Chua, hindi siya naniniwalang magkakaroon ng matinding epekto ang naganap sa United Kingdom.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |