|
||||||||
|
||
How time flies, Mayo na, at marami sa mga estudyante ang kailangang magpaalam sa kanilang campus life.
Tanong! Isang lalaki, kung walang magandang appearance at namumukod na talento sa pag-aaral o social skill, anong dapat gawin niya para mapansin ng babaeng gusto niya?
Sina Gao Xiaosong at Song Ke(sa kanan)
Noong 1990s, mayroon isang lalaki, dahil sa pagtugtog ng gitara at pagsulat ng kanta, halos lahat ng babae sa Tsinghua University ay gustong maging girlfriend niya. Song Ke ang pangalan niya. Siya ngayon ay CEO ng malaking music website ng mainland Tsina at noong huling dako ng 1990s, siya ang lider ng mga school music composer at singer sa Tsinghua University. Ayon sa mga schoolmate, sa panahong iyon, bawat gabi, pagkaraang matulog ang ibang roommate, magpapratice si Song ng gitara sa corridor at popular na popular ang kanta niyang may pamagat na "Escape:" ito ay naging school anthem ng Tsinghua University na paulit-ulit kinakanta sa mga graduation party.
Ang Tsinghua University sa mga pinakamagaling na unibersidad sa mainland Tsina. Pero, dahil nagtatampok sa mga departamento ng siyensiya't teknolohiya, ang proporsyon ng lalaki at babae sa Tsinghua University ay mga 10:1.5, masyadong di-balanse, at ayon sa alamat, kung gusto mo ng girlfriend sa Tsinghua, dapat marunong kang maglaro ng football, martial art, o tumugtog ng guitar.
Si Xv Xiaoping
At noong 1990s, kaga-graduate lang niya mula sa Central Conservatory of Music ng Tsina at naging guro sa Peking University. Itinatag ni Xv Xiaoping ang unang guitar school at nangalap siya ng mahigit 200 estudyante. Ang kantang "Weekend" na sinulat niya ay naging theme song ng Peking University.
Ang karaniwang campus life ng isang walang girlfriend na lalaki, sa weekend: walang anumang lugar puwedeng puntahan, ayaw lumabas at hindi gustong mag-aaral, nananatili sa dormitory, nanonood ng movie at kumakain ng instant noodles.
Noong 1990, mayroon isang malaking pagbabago sa Chinese school music circle dahil sa isa pang napakaimpluwensiyang campus music leader. Samantala, lumitaw rin ang mga propesyonal na music company at hindi na limitado sa campus ang kanilang musika, kundi naging available sa buong bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |