|
||||||||
|
||
Ang style ng campus music sa 1980s, ilang lalaki at babae, uupo sa damuhan, tutugtog ng gitara at kakanta. Sa madaling salita, amateur lamang. Pero, dahil sa isang napakaimpluwensiyang campus music leader, at paglitaw ng mga propesyonal na music company, sinalubong ng Chinese campus music ang tugatog ng tagumpay.
Mahusay si Gao Xiaosong sa pagde-describe ng ibat-ibang bagay sa kanyang mga awit. Sa pamamagitan nito, madaling nagkakaroon ng sariling interpretasyon at pagtingin sa kanya ang mga fans. Halimbawa, sa kantang Deskmate, napakinggan ko ang mga deskripsyon sa pambura, pagsagot sa tanong, at pagsulat ng liham.
Noong 20 year old siya, nakulong si Gao ng kalahating taon dahil sa pagmamaneho ng lasing. At sa ngayon, ang kanyang katawan ay halos 3 beses na mas malaki kumpara noong siya ay 20 taong gulang. Isinilang siya sa isang pamilya ng mga intellectual: ang kanyang nanay, tatay, lolo, at lola ay kilalang mga propesor at director sa university. Kaya, mas mature siya kumpara sa ibang kaklase. Sa simula, ang kurso niya sa Tsinghua University ay may kinalaman sa radyo, pero, mas gusto niya ang musika kumpara sa mga electronic component.
Noong 1992, para sundan ang pangarap na musikal, nag-drop-out siya mula sa Tsinghua University. Dahil diyan, nagalit sa kanya ang kanyang pamilya at itinigil ang lahat ng pinansyal. Kinailangang pansamantalang tumira si Gao sa dormitory ng kaibigan. Pero, ang mga kantang nakakuha ng mainit na pagtanggap sa mga mamamyan ay isinulat niya sa panahong iyon.
Nang bumalik si Gao Xiaosong sa Beijing, pinagtipun-tipon niya ang halos lahat ng kilalang school music singer sa panahong iyon at idinaos ang isang konsiyerto sa Tsinghua University. Tapos, noong 1993, binalak ng Land Music, isang music company ng Beijing na ipalabas ang isang album hinggil sa campus music, at si Gao Xiaosong ang naging pangunahing mucisian na gusto nilang mag-organize.
Ang namamahalang tauhan ng music company sa panahong iyon na si Shen Qing, ay isang campus music lover din, at alam na alam niya, na di tulad ng ibang campus singer, at composer, hindi salat sa material na bagay si Gao. Kaya, ginamit ni Shen Qing ang pinakasimple at pinakamatapat na paraan--tuwing gabi, dala ang gitara, pupuntahan ni Shenqing si Gao Xiaosong, at magkasama silang kakain, iinom o mag-tsatsaa. Sa pagpapahinga, kakantahin niya ang mga campus music sa harap ni Gao at sa bandang huli, ilang buwang nakalipas, sumang-ayon si Gao na magtrabaho para sa music company at nagbigay ng ilang kantang sinulat niya.
Bukod sa "Deskmate," isa pang popular na kanta niya ay "Roommate." Bagama't nag-drop out si Gao sa kanyang third year sa kolehiyo, natanggap pa rin niya ang imbitasyon ng pagdalo sa graduation ceremony mula sa mga dating klase. Bigla siyang nalungkot at nagkulong sa toilet. Pagkaraan ng 15 minuto, naisulat niya ang kantang "Roommate."
Sa tulong ng promosyong komersyal, naging popular na popular ang campus music sa buong bansa. Sabi nila lumampas sa 600 libong kopya ang ang kauna-unahang campus music ablum.
Simple ang lyrics at musical arragement ng mga kanta, karamihan sa mga ito, gitara at harmonica lamang ang ginamit na instrumento, at parang hindi kailangan ang espesyal na singsing skill. Pero, mula sa panahong iyon, hindi na lamang isang amature work ang pagkanta para ng mga college student, kundi naging isang karera. Particular na, lumitaw ang maraming napakahusay na campus singer sa Tsinghua University.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |