|
||||||||
|
||
gnm20151004.m4a
|
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Quote for the day: "Do not repay evil with evil or insult with insult. On the contrary, repay evil with blessing because to this you were called so that you may inherit a blessing."-- 1 Peter 3:9
Kumusta sa lahat ng mga hao pengyou everywhere in the world. Okay lang ba kayo riyan? Kumusta ang inyong weekend. Ano ba ang pinagkaabalahan ninyo nitong mga nagdaang araw? Baka naman puwede ninyong i-share sa amin. Gusto naming makarinig mula sa inyo. Okay lang ba?
Congratulations, San Andres Boys, sa pagwawagi ninyo sa billiard tournament diyan sa inyong barangay. Balita ko lampaso raw mga kalaban niyo. Totoo ba?
Bon Voyage kay Kate ng Binangonan, Rizal. Papunta raw siya sa London, England para sa isang business trip. Naku, huh. Buti ka pa, Mare, pa-business-business trip na lang.
Ilang piling mensahe.
Sabi ni Joyce ng San Pedro, Laguna: "kelangan na talagang sugpuin ang pagbe2nta @ pag22lak ng ilegal na droga d2 satin. talamak na talamak na ito i2. karamihan sa mga nagaganap na krimen d2 satin e masa2bing drug-related. iligtas naman natin mga kabataan natin."
Sabi naman ni Edith ng Taytay, Rizal: "Ang hihina pala ng mga estudyante natin ngayun sa Philippine history. biruin mong nagtataka cla kung bakit laging nakaupo si Mabini sa pelikulang "Heneral Luna." Nakupo! Hindi ba nila alam na si Mabini ay lumpo?"
Salamat sa inyo, Joyce at Edith.
Mamaya, sa Kusina ni Kuya Ramon, ang Chinese recipe natin ay Paper-wrapped Chicken. Huwag kayong aalis, ha?
Narinig ninyo ang awiting "I Think I'll Tell Her" ni Ronnie Dyson. Ang track na iyan ay lifted sa album na may pamagat na "One Man Band."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan natin ang ilang text messages.
Sabi ni Menchu ng San Miguel, Manila: "Happy National Day sa inyo. Enjoy the golden holidays. Balita ko, marami raw nagta-travel sa ganitong time."
Sabi naman ni Esther ng Adonis, Pandacan: "wish q lang magkarun tau ng fair at peaceful election sa 2016. yun lang e ayus na sakin."
Sabi naman ni Melba ng Pasong Tamo, Makati: "sna makarating aq jan at mabisita yung terra cotta warriors, temple of heaven, forbidden city at great wall."
Sabi naman ni Barbie ng Fangyuan, Beijing: "approved sa akin na dagdagan mga pulis natin. yung cnasabi nilang 1 pulis para sa 500 tao e parang kulang pa nga para sa akin. dami kayang pasaway ngaun. sana itaas din sweldo nla @ dagdagan benepisyo."
Sabi naman ni Carla ng Puerto Princesa, Palawan: "Nami-miss ko na mga boses nina James Taylor, Don Mclean at John Denver. Sana magpatugtog ka naman ng mga kanta nila sa program mo."
Thank you so much sa inyong mga SMS. God bless.
Iyan naman ang madamdaming awiting "Aubrey," na inawit ng Bread at hango sa album na pinamagatang "Guitar Man."
At dumako na tayo sa culinary portion ng ating programa. Ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Paper-wrapped Chicken.
PAPER-WRAPPED CHICKEN
Mga Sangkap:
1 sariwang manok (tumitimbang ng mga
1.2 kilograms)
3 kutsara ng light soya sauce
3 kutsara ng Chinese rice win
o dry sherry
1 kutsara ng ginger juice
2 kutsarita ng oyster sauce
1/2 kutsarita ng vetsin
1/2 kutsarita ng asin
1/2 kutsarita ng asukal
1/2 kutsarita ng sesame oil
20 piraso ng greaseproof paper
(may sukat na 20 centimeters)
Mantika
Paraan ng Pagluluto:
Hiwa-hiwain ang manok sa 20 piraso. Liban sa papel at mantika, pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap tapos isama ang mga piraso ng manok. Haluing mabuti. I-marinate ang manok sa loob ng di-kukulangin sa 2 oras. Haluin maya't maya habang mina-marinate.
Patuluin ang mga piraso ng manok. Balutin ang bawat isa ng greaseproof paper at itiklop ang magkabilang dulo ng papel na parang sa sobre na nakapaloob ang magkabilang dulo.
Mag-init ng mantika sa kawali. Iprito ang mga binalot na piraso ng manok sa loob lamang ng 5 minuto. Paunti-unti lang ang pagprito at bali-baligtarin habang ipiniprito.
Isilbi ang manok sa isang malaking bandehado. Iyong mga kakain na lang ang magtatanggal ng balot.
"Sa Iyong Tabi," inawit ni Jacky Cheung at buhat sa album na may katulad na pamagat.
Ilang SMS pa.
Sabi ng 928 754 0133: "Nakatikim ako ng mga mooncake na may iba't ibang flavor. Parang parami at nang parami ang mga flavor. Sasarap kaya.
Sabi naman ng 915 882 9932: "talagang naglipana ngayun mga kawatan kaya doblehin o triplehin natin pag-iingat natin. 'wan ko ba. Cguro dala na rin ng kahirapan."
Sabi naman ng 910 435 0941: "double thumbs up aq s mga tnutugtog mong mga awitin. bringing back d gud old days tlaga."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe and may God love you.
Bigyang-daan natin ang mga quotation na gustong i-share ni Techie Villareal ng West Coast Way, Singapore. Parehong anonymous ang mga ito:
"Never look down on someone unless your are helping them up."
"There are two kinds of failure: those who think without doing and those who do without thinking."
Gets niyo? Ang gaganda kaya. Super, super salamat sa iyo, Techie.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Iwas kayo sa anumang gulo at sakit ng ulo at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zai jian and God bless...
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |