|
||||||||
|
||
Maarte/20160809.m4a
|
Ang "Kiss Goodbye" ay inilabas noong 1993 sa ika-limang album ni Jacky Cheung. Mabilis na naging kilala ang kantang ito. Noong 1993, nakuha nito ang "Best Song of the Year" sa Golden Melody Awards. Umakyat din sa unang puwesto ang sales ng album na ito sa Taiwan Golden Melody Awards, at sa Singapore Hit Award, nakuha nito ang "Most Popular Song."
Ipinakita ng "Kiss Goodbye" ang masalimuot na damdamin tungkol sa pag-ibig. Tapos na ang relasyon pero hind pa tapos ang damdamin sa isa't isa. Malungkot ito at dahil sa mababang boses ni Jacky, nakakaantig ng damdamin ang kanta. Ito ay nagsisilbing isang palatandaan ng pag-ibig ng mga tao noong panahong iyon at nakatawag ng damdamin ng mga tao sa mga darating pang henerasyon.
Noong 2004, kinopya ang kantang ito ng isang kilalang Denmark Band, ginamit ang himig pero binago ang lyrics sa Ingles.
Ang edited version ng "Kiss Goodbye" ay pinamagatang "Take Me to Your Heart." Inawit ito ng Bandang "Michael Learns To Rock" (MLTR), isang kilalang banda ng Denmark na binubuo nina Jascha Richter, Lead Vocals, Mikkel Lentz, the Guitar Man, at Kare Wanscher, the drummer.
Ang "Take Me to Your Heart" ay pinakapopular na kanta ng MLTR sa Tsina. Ito'y nagkaroon ng dalawang daan at limampung libo (250,000) sales volume at naging "Best Song" ng Electric and Musical Industries Ltd. Noong 2004, pumunta ang MLTR sa Beijing para lumahok sa MTV Awards Ceremony ng CCTV, at nakuha nila ang Best Foregin Singers Award.
Mula noon, naging napakakilala nila sa mga bansang Asyano, gaya ng Timog Korea, Hapon, Pilipinas, Malasya, at iba pa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |