Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Never Said Goodbye

(GMT+08:00) 2016-08-16 17:55:46       CRI

Ipinagdiwang last week sa Tsina ang QiXi o ang kanilang version ng Valentine's Day. Batay ang petsa sa Lunar Calendar kaya kapag pumapatak ang 7th day of the 7th month --- love is in the air sa Tsina. Dahil it's the season for love, syempre uso din ang mga romantic films. tampok sa programa ang Never said Goodbye.

Bida dito ang Chinese actress na si Zhou Dongyu at ang South Korean hearthrob na si Lee Joon-ki. Ang kwento ng Never Said Goodbye - Under the Sicily Sun ay naganap sa Sicily, Italy at Shanghai, China. Tampok sa kwento ang isang young Korean man at Chinese woman, na na inlove sa isa't isa despite their cultural differences. First Chinese movie ito ni Lee Joon-Ki pero kilala siya sa mainland dahil sa kanyang Korean movie na The King and The Clown.

Ang Chinese title ng Never Said Goodbye. ay "謊言西西里" maning "Lies in Sicily." Ayon sa producers ang heart-breaking romantic tale started from a beautiful lie. Handa na ba kayo sa ilang spoilers movie buddies? Lee Joon Ki plays a Korean student who has only 6 months to live due to an illness, but falls in love with a young Chinese woman in Shanghai.

Ang direktor ng pelikula na si Lin Yu-Hsien na mula Taiwan ay gumagawa lang daw ng movies kada 3 taon. And dahilan daw ay para siguruhin ang kalidad ng kanyang mga pelikula. Hinggil sa Never Said Goodbye, sa isang interview sinabi ni Lin na ang isang magaling na romantic film ay mahalimuyak sa loob ng mahabang panahon. Kaya maraming mga filmmakers ang talagang puno ng sigla kapag gumagawa ng pelikula sa genre na ito. Pero para sa kanya, ang pinakanakatawag ng kanyang pansin sa story ng Never Said Goodbye ay di lamang ang pagpapakita nito ng pagmamahal, kundi mas mahalaga, ipinakita rin ng pelikula ang paraan ng pamamaalam sa taong minamahal. At sa pelikula, aniya may espesyal na siya para maipakita ang kahulugan nito.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>