Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, umalis na patungong Cambodia at Singapore

(GMT+08:00) 2016-12-14 10:09:57       CRI

Kaunlaran sa Asia, matatag pa rin

ASIAN DEVELOPMENT BANK NAGHAHANDA PARA SA PAGDIRIWANG. Makikita ang isang kawaning nag-aayos ng billboard ng ADB sa tabi ng lansangan sa Mandaluyong City. Ang ADB ay may punong tanggapan sa Pilipinas mula ng itatag ito noong 1966. (Melo Acuna)

NANANATILING matatag ang ekonomiya ng umuunlad na Asia sa likod ng napunang pagbagal na kaunlaran sa India kaya't umabot sa 5.6% ang kaunlaran ngayong 2016 at mas mababa sa inakalang 5.7% ayon sa Asian Development Bank Outlook 2016 Update na inilabas sa Maynila kanina. Tinatayang aabot sa 5.7% ang growth rate sa susunod na taon.

Ayon kay Juzhong Zhuang, ang deputy chief economist ng Asian Development Bank, nananatili ang paglago ng mga ekonomiya sa rehiyon sa harap ng kawalang-katiyakan sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Ang mga kailangang structural reforms, pagpapahusay ng economic climate at suporta sa pangamngailangan ng mga bansa ang magpapanatili ng kaunlaran sa mga susunod na panahon.

Ang pinagsanib na kaunlaran sa major industrial economies ay humigit sa inaasahan sa Update at umabot sa 0.1 percentage point at natamo ang 1.5% ngayong 2016. Ang kaunlaran sa taong 2017 sa 1.8%. Ang patuloy na paggasta ng mga mamamayan na suportado ng ekonomiya ng Estados Unidos, at magandang monetary policy at mas maayos na labor market ang nagpapa-unlad sa euro area. Ang paglawak at paglago ng Japan ay dahilan sa malakas na export, kahit pa mas malakas ang kanilang local currency.

Ibinaba naman ng Asian Development Bank ang forecast nito sa South Asia mula 6.9% tungo sa 6.6%. Makakabalik ang kaunlaran sa susunod na taon ay makakamtan ang 7.3%. Ang kaunlaran sa India ay nakarating lamang sa 7.0% mula sa unang pagtataya na 7.4% ngayong taon dahil sa mahinang investments, pagbagal ng agriculture sector, at kakulangan ng salapi dahil na rin sa desisyon ng pamahalaang ipagbawal ang hig-denomination banknotes. Maka-aapekto ito sa mga sektor na umaasa sa salapi kabilang na ang small and medium-scale businesses. Ang epekto ng transition ay inaasahang panandalian lamang at lalago sa 7.8% ang ekonomiya ng India sa 2017.

Hindi nagbago ang economic forecast sa silangang Asia sa taong 2016 at 2017. Ang kaunlaran ay makararating sa 5.8% at bahagyang bababa sa 5.6% sa susunod na taon. Ang kaunlaran sa People's Republic of China, ang ikalawa sa pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ay inaasahang makararating sa 6.6% dahil sa malakas na domestic consumption, solid wage growth, pagkakaroon ng hanapbuhay sa malalaking lungsod at paggasta sa mga pagawaing-bayan. Tinatayang mananatili sa 6.4% ang kaunlaran sa susunod na taon.

Samantala, sa Timog Silangang Asia, hindi nagbabago ang growth forecasts sa 4.5% ngayong 2016 at 4.6% sa susunod na taon at inaasahang sisigla ang ekonomiya sa Malaysia at Pilipinas dahil sa domestic consumption at public at private investment at mananatiling mababa ang growth forecasts sa Brunei Darussalam, Myanmar at Singapore.

Mananatili ang growth outlook sa Central Asia sa 1.5% sa taong ito at 2.6% sa susunod na taon sa nagaganap na recession sa Russian Federation at mababang presyo ng langis at natural gas na nakasasama sa sub-region.

Ang Pacific Region naman ay magkakaroon ng 2.7% growth ngayong 2016 samantalang aabot ito sa 3.3% sa 2017. Ang pagkakaroon ng fiscal contraction sa Papua New Guinea, ang pinakamalaking ekonomiya sa Pacific region, at ang pagbawi mula sa malalakas na bagyo na naka-apekto sa sub-region. Ang pinsala sa Fiji ay nagkaroon ng malaking epekto sa growth outlook kaysa unang inakala samantalang ang prospects para sa Samoa, Kiribati at Tuvalu ay gumaganda sa larangan ng fisheries, infrastructure at tourism.

Ang ADB ay itinatag noong 1966 at magdiriwang ng ika-50 anibersaryo ngayong buwan. Pag-aari ito ng may 67 kasapi na kinabibilangan ng 48 mula sa rehiyon. Nakapaglabas ang ADB ng may US$ 27.2 bilyon na kinabibilangan ng may US$ 10.7 bilyon sa larangan ng co-financing.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>