Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Panukalang P 3.35 trilyong budget, pasado na sa Kongreso

(GMT+08:00) 2016-12-14 19:26:59       CRI
Panukalang P 3.35 trilyong budget, pasado na sa Kongreso

PUMASA na kagabi sa House of Representatives sa pamamagitan ng viva voce voting ang bicameral conference committee report sa panukalang budget na nagkakahalaga ng P 3.35 trilyon para sa taong 2017. Hindi na gagamitin pa ang budget noong nakalipas na taon.

Ang ratification ng House Bill 3408 ay ginawa sa sesyong pinamunuan ni Deputy Speaker at Cebu Third District Congresswoman Gwendolyn "Gwen" Garcia bago nagtapos ang sesyon para sa Kapaskuhan.

Matapos ang pagtitipon at pag-uusap, nagkasundo ang bicameral committee ng Senato at House na irekomenda at irekomenda sa kani-kanilang mga kalipunan na ipasa ang House Bill 3408 na mayroong kaukulang amendments.

Ayon sa datos mula sa House of Representatives, higit sa P 800 bilyon ang nakalaan para sa infrastructure development sa taong 2017. Pangako ni Pangulong Duterte na gagastos ng P 8.3 trilyong para sa mga pagawaing-bayan mula 2017 hanggang 2022.

Sa budget na ito, inaasahang makatitiyak na mananatili ang 7% GDP growth. Saklaw din ng budget sa susunod na taon ang ikalawang bahagi ng Salary Standardization para sa 1.3 milyong kawani ng pamahalaan. Kasama rin sa makikinabang ang mga tauhan ng pulisya, sandatahang lakas, mga bumbero, mga alagad ng jail management and penology at maging coast guard.

Napapaloob din sa budget ang kailangang salapi para mabawasan ang kahirapan at madagdagan ang pondo ng 4Ps at Philhealth coverage para sa mahihirap, libreng patubig sa mga magsasaka, libreng tuition fees sa mga mag-aaral sa state universities at colleges.

Ang budget ng Office of the President ay P 19.990 bilyon, ang Office of the Vice President ay mayroong P428.6 milyon at hindi na binago sa bicameral committee. Gagastusin ang P 15.4 bilyon mula sa Tanggapan ng Pangulo para sa Association of Southeast Asian Nations summit sa 2017.

Nangunguna sa budget ang Department of Education na mayroong P544.109 bilyon, Department of Public Works and highways na mayroong P454.721 bilyon, Department of Interior and Local Government, P 148.037 bilyon, Department of national Defense, P 137.182 bilyon, Department of Social Welfare and Development, P128.301 bilyon, Department of Health, P 96.336 bilyon, State Universities and Colleges, P 58.718 bilyon, Department of Transportation, P 53.346 bilyon, Department of Agriculture, P 45.222 bilyon at Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM, P32.261 bilyon.

Mayroon ding subsidyo na P 3 bilyon para sa Philhealth, P 1.2 bilyong dagdag para sa scholarships sa SUCs; P 1 bilyon para sa supplemental feeding ng DSWD, P 1 bilyon para sa Pondo sa Pag-Asenso at Pagbabago; P 770 milyong dagdag para sa cash allowance ng mga guro; P 3176 milyon para sa tuition ng medical students; P100 milyon centenarian fund; P 2 bilyong irrigation subsidy; P2.8 bilyon additional fund parasa Department of National Defense upang ipagsanggalang ang bansa mula sa internal at external threats; P1.5 bilyon para sa mga duktor sa malalayong pook at pagtatayo ng mga rural health clinic.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>